Babala kay Cesar: Kakasuhan pag hindi pa nagpakita sa Senate hearing
Hala, kapag hindi pa raw sumipot si Cesar Montano sa susunod na Senate hearing hinggil sa kinasasangkutan niyang kontrobersya sa Department of Tourism malamang daw na kasuhan na siya at posible pang makulong?
Sa ongoing hearing nga hinggil sa mga kuwestiyonableng proyekto ng DOT sa nakaraang pamumuno ni Wanda Teo, isa nga sa kailangang ipaliwanag ni Cesar ang diumano’y maanomalyang Carinderia project ng Tourism Promotions Board (TPB) na dati niyang pinamumunuan.
Hindi lang daw basta ad placements na milyones ang halaga ang nais habulin ng Senate inquiry sa kanilang ginagawang pagdinig kundi maging ‘yung mga taong nasa likod ng iba pang kaduda-dudang proyekto.
Ayon pa sa tsika, twice nang inisnab ni Cesar ang imbistasyon ng Senado kaya’t kung hindi pa raw dadalo ang aktor, papatawan na raw siya ng kaukulang parusa. Awwwww!!!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.