Barbie mas pahihirapan sa season 2 ng 'Inday Will Always Love You' | Bandera

Barbie mas pahihirapan sa season 2 ng ‘Inday Will Always Love You’

Ervin Santiago - August 19, 2018 - 12:40 AM

DERRICK MONASTERIO AT BARBIE FORTEZA

Hindi maikakailang hit na hit ang romantic comedy series na Inday Will Always Love You (IWALY). Mula nang umere noong Mayo ay patuloy itong namamayagpag sa ratings at laging trending topic sa social media.

Kaya hindi na nakapagtataka na na-extend pa ito. Sa season 2 ng IWALY, mas magiging kaabang-abang ang mga susunod na episode dahil sa mga bagong karakter at special guests.

Mas titindi ang mga pagsubok sa buhay ni Inday Happylou (Barbie Forteza) ngayong nakuha na ni Amanda (Gladys Reyes) ang lahat ng yaman at ari-arian ng kanyang ama na si Philip (Ricky Davao). Babalik sila sa Maynila at magtatayo ng maliit na negosyo.

At sa pagsisimula nilang muli, darating ang dating kaibigan ni Philip—si Florence na gagampanan ni Jean Garcia. Tutulong siya para maibangon ang negosyo, pero mukhang may naaamoy na “threat” si Marta (Manilyn Reynes). Kaibigan nga ba o karibal si Florence? Kaabang-abang din ang tarayan nina Jean at Gladys kaya asahan ang mas bonggang catfight.

Ang bestfriend naman ni Happylou na si Kimberlou (Tekla), may itinatago rin palang sikreto. Hindi alam ng nanay niya na bading siya. Kaya magpapanggap siya na kasintahan niya si Happylou! Abangan kung sino ang gaganap na nanay ni Kimberlou.

Sa paglayo ni Patrick (Derrick Monasterio) kay Happylou para protektahan ang dalaga sa kanyang inang si Amanda, magkaroon na kaya ng chance si Ernest (Juancho Triviño) sa puso ni Happylou?

Kaya huwag na huwag nang bibitaw sa Inday Will Always Love You, gabi-gabi pagkatapos ng Onanay sa GMA Telebabad.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending