McCoy de Leon sinorpresa ang isang fan habang nasa burol

By Alex Brosas August 18,2018
share this

McCoy de Leon sinorpresa ang isang fan habang nasa burol

By Alex Brosas August 18,2018
share this

PINASAYA ni McCoy de Leon si Nickolhyn Silvio. McCoy made a surprise visit sa burol ng relative ni Nickolhyn.

“Tinweet ko siya. Actually nung isang araw pa. Nakita ko kanina na nasa Tondo siya based sa IG post niya. Grinab ko yung chance nagbabasakali na mabasa niya at makapunta siya. Nung nagtweet ako, wala akong response na nakita so sabi ko matutulog nako.

“Pero iba talaga tong taong to! Tulog nako, ginigising ako ng kapatid ko sabi nanjan daw si Mccoy. Muntik pa ko malaglag kasi di ako makapaniwala. Napakabuting tao mo talaga! 1:30AM na pero pumunta ka pa rin. Thank-you! Parang panaginip pa rin ang lahat pero sobra kong na-appreciate yung pagpunta mo kahit na saglit lang. Kaya mahal na mahal kita!

“Di ako nagsisisi na sinusuportahan kita, minamahal at pinagmamalaki sa mara-ming tao. Thank you so much Moks! Thank you kasi yung ginawa mo napakalaking bagay na sakin, samin. Effort yun Moks! EFFORT. Napagaan mo loob ko sobra. Sabi ko naman sayo deserve mong sumaya, mahalin at tanggapin ng buong buo. Thankyou Moks!

“Pa! si Mccoy De Leon nga pala. Bait niya no? Kaya daming blessings nito eh. May God bless you more and more! I love you. Thankyouuuu. I-ngat ka. @ Brgy 309 Zone 30 Sta Cruz Manila.”

‘Yan ang nakasaad sa post ng fan ni McCoy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending