Mocha kapit-tuko sa posisyon; marami pa raw ilalabas na ‘ipepe…idede video
PARANG gusto naming magpa-book ng early morning flight to Davao City para puntahan at saluduhan si Mayor Sara Duterte if only for her straightforward advice to PCOO ASec Mocha Uson.
Aniya, hindi na raw kaila-ngan pang mag-sorry ni Mocha for her “pe-pe-de-de-ralismo” way of getting the idea across kundi mag-file na lang ng kanyang leave of absence.
Mukhang ang aming next stop ay sa tanggapan naman ni PCOO PIA (Philippine Information Agency) Director Ge-neral Harold Clavite na may pareho ring panawagan. Ang kaibahan nga lang, Clavite wants Mocha to make a public apology.
Para sa amin, however, that’s half of the bargain. Dahil ang nais mangyari ng karamihan sa ating mga mamamayan ay magbitiw na si Mocha from her post.
Pero kung ang hitad ang tatanungin, hindi pa raw sapat ang online video na ‘yon in connivance with the obnoxious, “tokhangable” blogger Drew Olivar. May ilalabas pa raw ka-sing ibang video si Mocha para ganap na maunawaan ni Juan dela Cruz kung ano talaga ang pederalismo.
Shortly after her online blog ay nasampolan na ang dating malaswang entertainer ng panlalait sa mga mambabatas. Hindi raw si Mocha ang maitutu-ring na authority pagdating sa usapin, short of saying na kulang ang kanyang kaalaman.
This is just a figment of our equally raunchy imagination.
Will Mocha do a more thorough research on federalism sa kanyang mga susunod na video? And from which refe-rence?
Mula sa Wiwi-kiki-pedia?
q q q
Half-vivid in our memory ‘yung isa sa mga highlight na monologue scene ni Maricel Soriano sa pelikulang “Kaya Kong Abutin Ang Langit.”
Isang ambisyong nais umahon sa lusak ng kahirapan si Clarissa Gargamonte na sa tagpong ‘yon ay naglitanya ng, “Ayoko ng masikip, ayoko ng walang tubig, ayoko ng mabaho…” (not in this particular order though).
Ang matayog din niyang pangarap is what pulled Clarissa down. Sa ending, bangkay na lang siyang natagpuan at narekober mula sa marumi’t tadtad-ng-basurang ilog.
Basura is our take-off point. Over the week, heavy downpour dulot ni Karding caused floods everywhere. Nagkalat din sa mga lansangan ang mga basura. No area in Metro Manila was spared.
Ito ang ipinag-aalboroto ng aktres at Kapitana Angelika dela Cruz sa Malabon. Ewan if a large chunk of this garbage ay mula sa Canada dumped in Camanava (Caloocan, Malabon, Navotas and Valenzuela), o malaking bahagi rin ay mula sa a-ting mga kulang-sa-disiplinang kababayan na basta tapon dito-tapon doon ng mga basura.
Kap. Angelika is fully cognizant of the importance of proper waste management. For sure, a lot of barangay officials also are. Ang ginawa ng Canada’y hindi nakaligtas sa pagpuna ng Prime Minister nitong si Justin Trudeau.
With heavy floods caused by indiscriminate waste come the imminent threat ng pagkakaroon ng nakakamatay na leptospirosis (mula sa ihi ng mga daga).
Experts have identified the culprit: ang mga nakaraang administrasyon tulad ng kay dating Pangulong Noynoy Aquino.
May nai-share sa aming video on Facebook tungkol sa ginawang rehabilitasyon ng isang ilog sa Indonesia. Tadtad din ‘yon ng mga itinapong basura, pero sa tulong ng militar, mga sibilyan at gobyerno ay gumanda na ang hitsura nito.
Elsewhere lalo na sa ating bansa, what you throw is what you get.
q q q
For the love of his media friends ang taunang paglulunsad ng medical mission ng kaibigang
Ahwel Paz (ng DZMM).
Bukas gaganapin ang ikaanim niyang “I Love My Family 4M” sa pakikipagtulungan ng De Los Santos Medical Center.
Walang pinipili ang sakit but we can choose to address our ailment once detected. Magastos din ang magkasakit o magpa-check up.
Papa Ahwel knows kaya mabuhay ka, Papa Ahwel. The nobleness of your undertaking is simply unkabogably amazing!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.