Joshua ibinuking ni Julia: Si Alice Dixson ang girlfriend

By Ervin Santiago August 17,2018
share this

Joshua ibinuking ni Julia: Si Alice Dixson ang girlfriend

By Ervin Santiago August 17,2018
share this

JULIA BARRETTO AT JOSHUA GARCIA

NAMULA at hiyang-hiya si Joshua Garcia nang ibuking ni Julia Barretto na super crush ng binata si Alice Dixson sa presscon ng serye nilang Ngayon At Kailanman.

Si Alice ang gumaganap na nanay ni Joshua sa nasabing serye at nang matanong nga ang dating beauty queen tungkol sa binata, “So far, Josh has been quite quiet sa akin. I don’t know. Medyo naiilang yata.”

Bigla namang sumingit si Julia at nag-dialogue ng, “I know why!” Bigla namang sumenyas si Joshua kay Julia na huwag nang magsalita na sinunod naman ng dalaga.

Sey ni Joshua tungkol kay Alice, “Hindi, ako…uhm, gusto ko yung vibe ni Ma’am. Kasi masiyahin lang siya, e. Ta’s cute siya pag nagsasalita.” Dito na diretsong tinanong si Joshua kung totoong crush niya si Alice pero hindi pa rin ito makasagot kaya si Julia na ang nagsalita.

“May isang taping day, na-pack up ako, pauwi na ako. May isang eksena pa siya. Nag-text siya sa akin, ‘Pack up na. I just finished a scene with my girlfriend.’ Wala naman girlfriend sa story.

“Sabi ko, ‘Girlfriend?! Sinong girlfriend? Oh, si Ms. Alice.’ My god!” natatawang pambubuking ni Julia sa kanyang boyfriend.

Halatang hiyang-hiya si Joshua kay Alice na katabi pa niya sa nasbing presscon. Hirit pa ni Julia, “Josh is so kinikilig because he’s so very appreciative kay Ms. Alice. Nu’ng nalaman pa lang niya na magiging mom niya, kinikilig na siya.”

Sumingit naman si Alice at sinabi kay Joshua na, “That’s sweet. Don’t be embarrassed.”

Pagkatapos ng mediacon para sa Ngayon At Kailanman, nakorner ng press si Alice at tinanong kung anong feeling sa pag-amin ni Joshua, “Siguro kung masyadong bata… I find naman the scenario cute. Anak ko siya sa soap, kaya what else could it be but sweet.”

Aniya pa, hindi naman daw siguro maaapektuhan ang pagiging mag-ina nila sa serye sa pag-amin ng binata, “I don’t think it’s going to change anything. Bata siya and all other kids naman have their period in their life na nagkaka-crush sa older women.”

Samantala, mapapanood na ang Ngayon At Kailanman simula sa Aug. 20 pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano sa Primetime Bida ng ABS-CBN. Makakasama rin dito sina Iza Calzado, Dominic Ochoa, Ina Raymundo, Jameson Blake at Christian Vasquez.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending