Makati court ipinag-utos ang pag-aresto kay Peter Lim
IPINAG-UTOS ng Makati City Regional Trial Court ang pag-aresto sa negosyanteng nakabase sa Cebu na si Peter Lim matapos namang kasuhan ng Department of Justice (DOJ) kaugnay ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Itinakda ni Makati RTC Judge Gina Bibat-Palamos ang pagbasa ng sakdal kay Lim sa Agosto 28.
Bukod kay Lim, kinasuhan din ang self-confessed drug distributor na si Kerwin Espinosa, Marcelo Adorco, at Ruel Malindagan, ng conspiracy to commit illegal drug trading sa ilalim ng Republic Act No. 9165, na walang piyansa ang inirerekomenda.
Nauna nang tiniyak ni Philippine National Police Chief Director General Oscar Albayalde na nakahanda ang PNP na arestuhin si Lim sakaling ilabas na ang warrant of arrest laban sa kanya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.