Werpa ng P512 minimum wage, P350 na lang!

By Alan Tanjusay August 14,2018
share this

Werpa ng P512 minimum wage, P350 na lang!

By Alan Tanjusay August 14,2018
share this

SA aking pagmo-monitor ng ating minimum wage, bumaba sa halagang P350 na lamang ang purchasing power ng P512 daily minimum wage dito sa National Capital Region o Metro Manila.

Sa walang humpay na pagtaas ng presyo ng pagkain, iba pang basic commodities at patuloy na pagtaas ng halaga ng serbisyo gaya ng pasahe, kuryente, tubig at tuition fees, mukhang lalo pang liliit ang purchasing power ng minimum wage na ito.

Ang purchasing power o buying power ay ang capacity ng halaga ng pera para bumili ng goods and services.

Ibig sabihin, ang P512 ay hindi na aktuwal na P512. ng totoong value nito para bumili o magbayad ay nasa P350 na lamang.

Government agencies such as the Bangko Sentral ng Pilipinas and Department of Finance ang nagco-compute nito every week. Sinusukat nila ang pagtaas ng presyo ng mga goods and services at binabago ang purchasing power ng ating pera.

Ramdam natin mga friends ang pagbagsak ng purchasing power ng ating sweldo. Salatin mo yung mga shampoo, toyo, suka na nasa sachet, di ba lumiit at pumayat? Dahil sa bumababang werpa ng ating sahod, napilitan ang mga negosyante na itaas ang presyo ng kanilang paninda sa pareho dami o timbang ng laman o kaya bawasan nila ang dami o timbang ng produkto without changing their prices.

Halimbawa din yung size ng mga pizza, donut o kahit anong tinapay sa panaderia, kapansin-pansin na ganun pa rin ang presyo pero bawas na ang size, kapal at timbang.

Pansin nyo mga bes, four to five days pa lang before payday kapos na budget nyo? O kaya nawan parang kahapon lang ang payday wala ka nang hawak na pera dahil ipinambayad naman sa utang. Haaay…
vvv
Meron ka bang problema sa trabaho? Pwedeng idulog dito sa Make It Work. I-text ang pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09999858606.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending