Japanese beauty queen iikutin ang Pinas para ibandera sa Japan | Bandera

Japanese beauty queen iikutin ang Pinas para ibandera sa Japan

- August 12, 2018 - 12:30 AM

NAKILALA namin ang kamakailan si Miss Universe-Japan 2014 first runner-up Hiro Nishiuchi na siyang napili bilang bagong Philippine Tourism Fun Ambassador.

Sa ginanap na mediacon para kay Hiro, ibinalita niya na madalas na siyang bibisita sa Pilipinas para sa mga gagawin niyang proyekto kung saan itatampok nga nila ang ipinagmamalaking tourist destinations sa bansa.

Kasama niyang humarap sa ilang members ng entertainment ang composer/concert producer ng mga international artists tulad ng Boyz II Men at Big Bang na si Moss Kitayama, at sina Jun Esturco (award-winning Filipino photographer based in Japan) at Seishin Ueno (manager ni Hiro) para mag-shoot sa iba’t ibang magagandang lugar sa Pilipinas.

Super na-in love raw ang dalaga sa ganda ng Pilipinas lalo na sa Coron, Palawan. Kaya naman excited na siya sa pag-explore at paglibot muli sa bansa, “To promote fun in the Philippines through International Conversations.”

Ito’y para i-encourage at i-educate ang mga taong nakikilala niya around the world kung gaano kaganda ang Pilipinas, lalo na sa mga Japanese.

Handa na rin daw pag-aralan ni Hiro ang kultura ng mga Filipino para mas lumawak pa ang kanyang kaalaman tungkol sa mga Pinoy para mas marami pa siyang maibahagi sa kanyang mga kaibigan sa Japan at sa iba pang bansang nabibisita
niya.

Isa raw sa mga unang natutunan niya ay ang kahalagahan sa kalusugan ng pagkain ng malunggay.

Kung mabibigyan ng chance, game rin ang dalaga na subukan ang showbiz sa Pinas pero kailangan daw muna niyang karirin ang pag-aaral ng Tagalog.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending