ROBIN tanggap na ang kabaklaan ni BB, tinawag na sister si utol | Bandera

ROBIN tanggap na ang kabaklaan ni BB, tinawag na sister si utol

Ervin Santiago - July 03, 2013 - 08:00 AM

SA wakas, natanggap na rin ni Robin Padilla si BB Gandanghari. Isang malutong na “sister” na ang tawag ngayon ng action star sa kanyang kapatid.

Sa kanyang Instagram, may isang larawang ipinost si Binoe, makikita roon ang kanyang anak na si Ali na tila nakikipagkulitan kay BB habang nakaratay ito sa  hospital.

Sey ni Robin sa nasabing picture, “My son Ali showing his boxing moves to my sister bb gandanghari who used to be my brother Rustom who beats me up when we were young ?? she #is so weak because of a very serious infection but her right cross is still as fast as before? my son was surprised and amazed.”

Matagal-tagal ding nagpatumpik-tumpik si Robin sa pagtanggap kay BB, kung lagi nitong sinasabi noon na naiintindihan niya ang pagpapalit ng sekswalidad ng kuyang si Rustom Padilla, ngayon ay bukas na ang isip niya sa pagiging beki ng kapatid.

In fairness, halos lahat ng mga followers nina Robin at BB sa Instagram ay tuwang-tuwa, saludo sila sa ginawang hakbang ni Binoe. Mas lalo raw nilang hinangaan ang action star at mas lalo raw nila itong inidolo.

Of course, abot-langit naman ang kaligayahan ni BB dahil dininig na naman daw ang kanyang dasal. Kung matatandaan, bukas-palad na ring tinanggap si BB ng kanyang inang si Mommy Eva Cariño.

Sa katunayan, noong nakaraang Mother’s Day ay sabay pa silang nagpa-spa at nagpamasaheng mag-ina at sey nga ni BB, ‘yun na raw ang isa sa mga hindi niya malilumutang eksena sa buhay niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending