Pangako ni Roque, Duterte government handang tumulong sa showbiz industry | Bandera

Pangako ni Roque, Duterte government handang tumulong sa showbiz industry

Jun Nardo - August 09, 2018 - 12:30 AM

SPOX HARRY ROQUE/ NOV 20,2017
Presidentail spokesperson Atty Harry Roque answer questions from the media duing press briefing held in Malacañan New Executive Bldg, Nov 20,2017.
INQUIRER PHOTO/JOAN BONDOC

IDOLO ni Presidental Spokeperson Harry Roque si Gabby Concepcion. Nang makachikahan niya ang entertainment press last Tuesday, inamin niyang pinanood niya ang series ni Gabo na Ika-6 Na Utos.

Ikinatutuwa rin niya na ang kaedaran niyang si Nora Aunor ay nasa GMA na.

“Pero pagdating sa balita, ang pinapanood ko ay Channel 7! Kasi gusto kong malaman ang reporting ni Joseph Morong!” bulalas ni Sir Harry.

Humarap ang opisyal sa showbiz press dahil magaan ang dating ng mga taong sa kanya. Natanong siya kung ano ang puwede maitulong ng administrasyon sa showbiz industry.

“Alam ninyo, nag-usap na kami ni Imelda Papin. Siya yata ang presidente ng asosasyon ng mga artista sa Pilipinas ngayon. Hindi lang po natuloy ‘yung unang punta nila sa akin sa Palasyo.

“Pero nakipag-agree naman ako na kung ano ang kinakailangan, harapin natin ‘yan. Para kung kailangan ng legislation, marami naman tayong kaibigan sa legislature.

“Pero ang problema ngayon sa entertainment industry ay napakarami po. Meron tayong hindi itinuturing na empleyado. Maraming mga endo. ‘Yung mga make up artist, pati ngayon, sa studios, hindi man lang binibigyan ng SSS.

“Ang mga empleyado, itinuturing na on a per job basis. Samantalang taun-taon na silang nagre-render ng serbisyo. Parang hindi naman po tama ‘yan. Parang hindi nirerespeto ang karapatan ng manggagawa.

“Nasa Amerika lang po si Imelda Papin. Sabi ko naman, ‘Sure, Imelda. Anytime, come to me.’ Dadalhin daw niya lahat ng kanyang officers at Board of Officers ng kanilang organisasyon.

“So ang sagot ko, ‘Yes!’ The government is more than ready to assist the industry dahil ang hanapbuhay ay hindi lamang para sa mga artista. Para rin ito sa mga cameramen, extras, make up artists, manunulat, crew at siyempre po, meron din tayong prospects pag prinomote natin ang tinatawag nating movie tourism.

“Isa ‘yan dapat na isulong natin sa Kongreso. Yung mga incentives para ‘yung mga foreign film company eh maengganyo na dito sa Pilipinas mag-shooting ng kanilang pelikula!” paliwanag ni Sir Harry.

Eh pag inoperan siya ng TV o pelikula, ano ang gusto niyang role?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Siyempre, gusto ko ako ang bida! Ha! Ha! Ha!” deklara ni Harry Roque.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending