ARESTADO ang dalawang miyembro ng umano’y sindikato na sangkot sa “rent-sangla” scam sa magkahiwalay na operasyon noong Linggo at kahapon.
Unang naaresto sa Sampaloc, Maynila, ang umano’y lider ng sindikato na si Joven Aycardo Mañalac, 37.
Nahuli naman ang isa pang suspek na si Ryan del Rosario Figueroa, 36, sa Pampanga, ayon sa pulisya.
Idinagdag ng pulisya na sa ilalim ng modus na “rent-sangla”, rerentahan ng mga suspek ang mga sasakyan ng ilang araw mula sa may-ari. Kapag nakuha na ang sasakyan, ibebenta o isasangla ng mga suspek ang mga sasakyan.
Sinabi ng pulisya na umabot sa anim na sasakyan ang nirentahan ni Mañalac mula sa limang biktima. Sinasabing nagsasagawa ang suspek ng operasyon sa Metro Manila, Central Luzon, at Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal and Quezon).
Samantala, sa Central Luzon naman ang operasyon ni Figueroa, dagdag ng pulisya.
Nahaharap ang mga suspek mga kasong estafa sa ilalim ng Article 315 of the Revised Penal Code.
Nanawagan naman si Philippine National Police Highway Patrol Group director Police Supt. Roberto Fajardo sa mga biktima na magsampa ng syndicated estafa, na walang piyansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.