Fifth Solomon na-shock, siningil ng toll fee sa EDSA
NA-SHOCK ang kapatid ni Chariz Solomon na si Fifth nang makita ang resibo niya matapos sumakay sa transport network vehicle service na Grab Philippines.
Ipinost ni Fifth sa kanyang Twitter account ang online receipt at makikita nga rito ang pagsingil sa kanya ng toll fee sa pagdaan niya sa EDSA.
“Di ako na-inform. May Toll gate na pala ngayon sa EDSA. @grabph #FinishNa,” tweet ng utol ni Charice na nag-aartista na rin ngayon.
Sinagot din niya ang reply ng isang kaibigang nagtanong tungkol sa isyu niya sa Grab, “Hindi kita ma direct message, mars. nag email naman ako. Paki-asikaso nalang. sayang din ang P100 kong pinang bayad sa Invisible Toll Gate sa Edsa.”
Ito naman daw ang sagot ng Grab, “Hi Fifth! Sorry to hear about this unpleasant experience.
For the protection of your account, please send thru direct message your account details (registered mobile number & email address) so we can assist you further with this. Thank you!”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.