Tutok pa rin ang mga Pinoy sa mga pasabog ng Probinsyano | Bandera

Tutok pa rin ang mga Pinoy sa mga pasabog ng Probinsyano

Cristy Fermin |August 07,2018
facebook
share this

Tutok pa rin ang mga Pinoy sa mga pasabog ng Probinsyano

Cristy Fermin - August 07, 2018 - 12:10 AM

PAANO pa nga bibitiw sa Ang Probinsyano ang mga kababayan natin kapag ganito nang ganito ang matutunghayan sa bawat episode ng serye?

Puro bakbakan na pangpelikula na ang kanilang ihinahandog sa manonood, matitinding aksiyon na ang nag-uupakan ay mga sikat na personalidad, talagang gustong paluhurin ng serye ang Victor Magtanggol.

Nu’ng Sabado nang gabi ay si Coco Martin ang pinagpipistahan sa pinuntahan naming lamay. Sana raw ay Lunes nang gabi na dahil napanood nila ang cliffhanger ng episode nito nu’ng Biyernes nang gabi.

“Magsasabay-sabay sa paglusob ang grupo nina Alakdan (Jhong Hilario), nagbuo pa ng tropang sasalakay sa Vendetta ang PNP, grabe ang maaksiyong eksena!” sabi ng tagasuporta ng seryeng pinagbibidahan ni Coco Martin.

‘Yun ang produkto ng serye na mukhang mahihirapang dikitan man lang ng serye ni Alden Richards. Ibang magkagusto ang mga Pinoy, kapag nasimulan na nila ang isang palabas ay du’n na talaga sila nakatutok, kahit pa tapatan ‘yun ng isang ambisyosong palabas.

Kunsabagay, kahit naman nu’ng wala pa ang serye ni Alden ay palagi nang siksik sa maaaksiyong eksena ang Ang Probinsyano, sagana rin ang programa sa mga aral ng buhay sa pamamagitan ni Ms. Susan Roces.

Kumpletos recados ang serye, sabi nga ng mga nagkukuwentuhan sa lamayan ay wala ka nang hahanapin pa, kaya hindi sila magbabago ng panonoorin gabi-gabi.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending