Catriona Gray may dadalhing ’lucky charm’ sa 2018 Miss U

By Ervin Santiago August 07,2018
share this

Catriona Gray may dadalhing ’lucky charm’ sa 2018 Miss U

By Ervin Santiago August 07,2018
share this

TULOY-TULOY ang ginagawang paghahanda ni Catriona Gray para sa pagrampa niya sa gaganaping 2018 Miss Universe ngayong Disyembre sa Thailand.

Ayon sa bet ng Pilipinas sa Miss U, gagawin niya ang lahat para mabigyan uli ng karangalan ang bansa sa larangan ng beauty pageant.

Excited na rin daw siyang muling ma-explore ang Thailand. Aniya sa isang panayam, “I think it’s really a great venue, they are pageant fans just like us and their culture is so beautiful, diverse and rich. Parang it would be nice to explore that with the rest of my Miss Universe sisters plus malapit lang (sa Pilipinas).”

Isa raw sa dapat abangan ng mga Pinoy at ng buong universe ay ang kanyang pasabog na National Costume, first time raw ito na irarampa ng isang Filipina candidate sa Miss Universe.

Super thankful din daw siya sa lahat ng mga netizens na nagbibigay ng moral support sa kanya, “Blessing yan! It gives a boost of support and also different countries favoring me in some way and seeing good things in me, it makes me feel good.”

Sa pagsabak niya sa Miss U 2018, may dadalhin daw lucky charm ang dalaga, “Baka isusuot ko ‘yung ear cuff ko! Not that one exactly (na isinuot sa Binibining Pilipinas 2018) but a version.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending