Cherie Gil: Nahihiya akong buhusan ng wine sa mukha si Ate Guy! Noranian ako! | Bandera

Cherie Gil: Nahihiya akong buhusan ng wine sa mukha si Ate Guy! Noranian ako!

Ervin Santiago |August 06,2018
facebook
share this

Cherie Gil: Nahihiya akong buhusan ng wine sa mukha si Ate Guy! Noranian ako!

Ervin Santiago - August 06, 2018 - 12:15 AM

MAKALIPAS ang 16 taon muling magsasama sa isang teleserye ang Superstar na si Nora Aunor at ang La Primera Contravida na su Cherie Gil, ang bagong Kapuso drama series na Onanay. Huli silang napanood sa seryeng Bituin.

Ayon kay Cherie nang makausap namin sa presscon ng Onanay mas relaxed na siyang kaeksena ngayon si Ate Guy, “Kasi, I look up to her. I’m a Noranian, e. Her eyes are stunning. It’s stellar! Mas bata ako noon and I have just come from the States. Comeback ko, tapos first soap din yata niya. So medyo may konting distance noong araw.”

Dugtong pa niya, “Now we’re jamming na. I feel comfortable. When she comes to the set, she would always ask, ‘Asan si Ms. Cherie?’ I would say, ‘Anong Ms. Cherie, Ms. Cherie ka diyan!’”

Siya ang major-major kontrabida sa Onanay na magpapahirap kay Ate Guy at sa gaganap na anak nito sa serye na si Jo Berry, isang bulinggit na babae pero napaka-talented. Kaya tanong ng press, marami ba siyang bagong pasabog dito?

“I’m sure there would be a lot of confrontations. Pero yung magiging kumprontasyon namin is not a competition. Unlike sa Bituin, it was about two singers. This is about two mothers, so magkakaroon ng mas matinding exchange of hearts and intentions and wants—more from the heart,” tugon ng aktres.

Siyempre, natanong din si Cherie kung kailan naman niya tatapunan ng tubig o alak sa mukha ang Superstar sabay dialogue ng, “You’re nothing but a second-rate, trying hard copycat!” na naging tatak na niya dahil sa kanyang signature iconic Lavinia Arguelles role sa “Bituing Walang Ningning” with Sharon Cuneta as Dorina Pineda.

“I wanna do it to Ate Guy! But I still haven’t had the courage. Matagal ko na siyang nililigawan, sa ASEAN (International Film Festival, 2015) palang when we were there together. Oo siya nang oo pero hindi ma-timing-ti-ming, kasi parang nahihiya ako buhusan ng tubig o wine yung mukha niya,” natatawa pang chika ni Cherie.

At ngayong magkasama na uli sila sa Onanay, baka raw magkaroon na ng chance, “I still have to make a plan, a moment. It’s got to be properly planned.” At kung matutuloy nga ito, si Nora na ang ika-12 “biktima” na mapi-feature sa Instagram account ni Cherie kung saan mapapanood ang mga reenactment video ng kanyang iconic na “copycat!”

Samantala, magsisimula na ngayong gabi sa GMA Telebabad ang Onanay pagkatapos ng Victor Magtanggol, directed by Gina Alajar. Ito ang papalit sa Kambal Karibal.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending