Sikat na male celeb inaabuso na ng mga kapamilya | Bandera

Sikat na male celeb inaabuso na ng mga kapamilya

Cristy Fermin - August 04, 2018 - 12:15 AM

AWANG-AWA sa isang pamosong male personality ang mga nagmamalasakit at nagmamahal niyang kaibigan dahil halos magpakamatay na siya sa pagtatrabaho.

Halos wala na raw kasing pahinga at tulog ang male personality, ginagawa na niyang araw pati ang gabi, para lang madagdagan ang laman ng kanyang bulsa.

Pero ang ikinaiinis ng kanyang mga kaibigan, habang panay-panay ang kanyang pagtatrabaho ay nagpapasarap lang naman pala sa buhay ang mga taong sa kanya lang umaasa, ‘yun ang dahilan ng pagkaawa nila sa lalaking personalidad.

Isang source ang nagkuwento, “Okey lang sana kung nagtatrabaho rin ang mga umaasa sa kanya, kaso, hindi nga! Puro pagpapasarap sa buhay lang ang ginagawa nila. Ano ba namang tulungan naman nila ang kapamilya nilang halos hindi na natutulog at nagpapahinga?

“Ano ba namang mag-business sila, palaguin nila ‘yun, para hindi naman trabahong-kalabaw ang kadugo nila na humihingal na sa katatrabaho?

“Hindi man lang ba sila nakukunsensiya kapag nababasa nila ang balita na masandal lang ang likod ni ____ (pangalan ng kilalang-kilalang male personality), e, nakakatulog na agad siya?

“Hindi ba sila nababahala dahil may mga pagkakataon na kailangan nang sumalang ng kaanak nila, pero ayaw ipagising ng direktor, para makapagpahinga naman muna siya?

“Mahiya naman sana sila, bigyan naman nila ng kaginhawahan ‘yung tao? Kapag bumigay ang katawan niya, kapag nagkasakit siya, e, siguradong sila rin naman ang nganga!” naiinis na kuwento ng aming impormante.

Pati ang lovelife ng kilalang aktor ay halos hindi na niya nahaharap, maraming taon na siyang walang insipirasyon, puro trabaho nga kasi ang kanyang inaatupag.

“Konting kaginhawahan lang naman ang kailangan ng mahal nilang kapamilya. Makita nga lang niyang nagtatrabaho ang mga taong umaasa sa kanya, e, ikaliligaya na niya ‘yun!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Pero hindi ganu’n ang nangyayari, puro asa lang sa kanya ang ginagawa ng mga taong malapit sa buhay niya. Walang gumagalaw, asa lang nang asa sa kanya ang mga taong ‘yun, kaya duda ng mga kaibigan niya, e, baka bumigay na rin siya isang araw,” chika pa ng aming source.

Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, nakakaawa naman pala ang papa n’yong itey!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending