Sam halimaw sa karera; pahinga muna sa lovelife
HALIMAW talaga si Sam Milby pagdating sa pangangarera dahil halos lahat ng pasukin niyang sports ay lagi siyang nananalo.
Dati ay motorcycle sports ang kinahiligan ng aktor at lagi ring nananalo pero bigla siyang nag-lie low matapos maaksidente.
Tanda namin ay pinahinto siyang mag-motor dahil may ginagawa siyang teleserye noon at hindi siya puwedeng mawala kapag naaksidente.
Nitong weekend lang ay nakamit naman niya ang titulong Fastest Lap Celebrity Class at special awards na Petron XCS Xcitement Award at Coolest Driver para sa Vios Cup 2018 na ginanap sa Filinvest Alabang. Nakalaban ni Sam sina Troy Montero, Fabio Ide at iba pang celebrity sa Vios Cup 2018.
Samantala, excited na si Sam sa airing ng Halik sa Agosto 13 mula sa RSB Unit kasama sina Jericho Rosales, Yen Santos at Yam Concepcion. Challenging raw ang role niya sa serye bilang mabait at mapagmahal na asawa pero natukso sa ibang babae.
Parang ang layo nga ng karakter ni Sam sa Halik sa tunay na buhay dahil kilala siya bilang one-woman-man.
Hindi nagmamadaling magkaroon ulit ng girlfriend si Sam dahil gusto niyang unahin muna this time ang career niya, pero hindi ibig sabihin na hindi pa siya nakaka-move on sa kanyang past relationship.
Enjoy din daw ang aktor sa production house nila nina Angelica Panganiban at John Prats kung saan siya ang nag-eedit ng mga ginagawa nilang video materials.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.