Eala nagwagi sa ITF Europe Tour sa France | Bandera

Eala nagwagi sa ITF Europe Tour sa France

Angelito Oredo - July 30, 2018 - 09:27 PM


IPINAGPATULOY ni Alexandra “Alex” Eala ang kanyang pagwawagi sa sinasabakan na ITF Europe Tour matapos itala ang ikalawang sunod nitong mahirap gawin na pagwawagi ng mga titulo sa singles at doubles sa loob ng dalawang linggo.

Katatapos lamang magwagi sa Netherlands, ang Pilipinang sumasabak sa Under-14 category ay pinagwagian naman ang La Balle Mimosa Loire-Atlantique girls’ singles at doubles sa Nantes, France.

Ipinamalas ng seeded No. 1 na si Eala ang husay sa kabuuan ng court upang dominahin ang nakalaban mula sa Kazakhstan, Morocco at Japan bago tinalo ang fourth seed na si Yasmine Kabbah ng Morocco, 6-2, 6-3, para sa titulo.

Hindi pa nakuntento ay nakipagpares si Eala kay Xin Tong Wang ng China upang walisin ang nakasagupang pares mula sa France, Tunisia-Kenya, at Paraguay-Bolivia bago binigo ang kapwa Asian na second seed na sina Ayaka Koga at Mio Mushika ng Japan, 6-2, 6-1.

Dahil sa panalo ay umangat si Eala sa pagiging No. 88 sa World girls under-14 habang napaganda ang kanyang singles win-loss card sa 25 panalo at anim na talo habang ang kanyang doubles ay 29 panalo at dalawa lamang na talo sa sinabakan na kabuuang 31 laban sa ITF Junior Tour.

Sunod na sasabakan ni Eala ang Internationale Deutsch Tennismeisterschaften sa Dueren, Germany kung saan siya ang seeded No. 5 sa singles.

Una nang itinala noong nakaraang linggo ni Eala ang pagbigo sa nakalabang mga European foes sa Dunno Air Windmill Cup sa Oosterbeek, Netherlands.

Ang 11th seed na si Eala ay dumiretso sa finals sa pagtatala ng sunud-sunod na panalo bago binigo sa 6-4, 5-7, 6-4 upset ang second seed na si Maria Sara Popa ng Romania upang tanghaling kampeon.

Tinalo naman nina Eala at Wang ng China sa doubles ang British third seed na sina Andrea Pineda at Hanna Smith, 6-3, 6-1.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending