Pinsalang dulot ng 3 bagyo at Hanging Habagat umabot na sa P2.8B | Bandera

Pinsalang dulot ng 3 bagyo at Hanging Habagat umabot na sa P2.8B

- July 30, 2018 - 02:56 PM

UMABOT na sa P2.8 bilyon ang pinsalang dulot ng Hanging Habagat na pinaigting ng 3 nakaraang bagyo sa agrikultura at imprastraktura, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Idinagdag ng NDRRMC kabilang sa mga rehiyon na napinsala ng mga pag-ulan mula pa sa unang bahagi ng Hulyo ay ang Ilocos region, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Western Visayas atvCordillera region.

Sinabi pa ng NDRRMC na tinatayang aabot sa P2.2 bilyon ang pinsala sa agrikultura at P629 milyon naman sa imprastraktura. 

Pinaka matinding napinsala ang agrikultura ng Central Luzon kung saan umabot sa P1.2 bilyon ang halaga ng nasira.

Matatandaang walang tigil ang pag-ulan sa bansa dulot ng mga bagyong Henry, Inday, at Josie, at Hanging Habagat.

Sa opisyal na bilang ng NDRRMC, 13 ang naitalang nasawi, samantalang tinatayang 510,914 katao o 120,446 pamilya ang nananatili sa mga evacuation centers.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending