Jericho: Naranasan ko nang magtaksil at maloko! | Bandera

Jericho: Naranasan ko nang magtaksil at maloko!

- July 28, 2018 - 12:10 AM

“IPOKRITO naman ako kapag hindi ko sinabing nambabae ako at hindi ako naloko!” Ito ang inamin ni Jericho Rosales nang matanong kung na-experience na niyang magtaksil at mapagtaksilan.

“Yung question ulit kung na-cheat na ako at nag-cheat na ako, oo naman, na-experience ko na lahat iyan. Pero di ko sasabihin kung sino. Kasi parang privacy na nila iyon. Tsaka nagkapatawaran na kami, yung mga pagkakamali,” sey ni Echo sa presscon ng bagong Kapamilya series na Halik.

Pero sey ng Asian Drama King, loyal na loyal siya ngayon sa asawang model-host na si Kim Jones. Hindi ba siya natutukso sa mga babae? “Naghahanap ako ng iba’t ibang halik mula sa aking one and only girl.”

Natanong din ang mga co-stars ni Echo sa Halik na sina Sam Milby, Yam Concepcion at Yen Santos kung naloko na rin ba sila at nanloko ng dyowa, unang sumagot si Yam, “Never pa akong nag-cheat, pero may nag-cheat na sa akin, yung first boyfriend ko. Pero matagal na yun, bata pa ako, immature pa kami. Nu’ng nahuli ko, ayoko na. That’s it.”

Sey naman ni Sam, “Ako din, nu’ng bata ako. Hindi ko masasabi na nagtaksil siya. High school, four years kami. After high school, kaka-graduate pa lang, pumunta ako dito sa Pilipinas para mag-try out ng modelling, 2002 ito.

“Pero na-miss ko siya, so bumalik ako sa States para sa kanya. Tapos pagdating ko, sabi niya, ‘I have feelings for somebody else. I’m in love with somebody else.’ Seven months kaming break, ‘tapos kami ulit.”

Sagot naman ni Yen, “Never pa naman akong nag-cheat at hindi pa naman po ako napagtaksilan. Siguro ang pinakamasakit na nagawa sa akin, nakipag-break sa akin, pero may kapalit na agad.
Pero alam ko naman na hindi naman nagsabay.”

Mapapanood na ang Halik sa ABS-CBN Primetime Bida sa Aug. 13, pagkatapos ng Bagani.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending