TINIYAK ng Palasyo na maayos ang kalusugan ni Pangulong Duterte matapos namang sumailalim sa routine medical checkup sa Cardinal Santos Medical Center sa bisperas ng kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) kahapon.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nagtungo si Duterte bago magsanay para sa kanyang SONA.
“I confirm that the President had a routine medical checkup at Cardinal Santos Hospital before rehearsing for the SONA. He spent about an hour and a half for the routine examination. He was declared to be in good health,” sabi ni Roque,” sabi ni Roque.
Iginiit naman ni Roque na walang dapat ikabahala sa kalusugan ni Duterte.
“Bagama’t sabi niya kahapon, ‘ay na ko, sabihin mo na doon sa aking mga kalaban – malapit na sila ay magdiwang. Kaya sabi ko ito talagang si Presidente, mahilig magloko pero routine checkup po iyon, kaya madi-disappoint po ang mga kalaban ni Presidente…eh malakas po at masigla, parang kabayo ang ating Presidente,” giit ni Roque.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.