Pacquiao vs Robredo: Sino ang mas ‘competent’ maging susunod na pangulo?
HAVING to endure this inclement political weather, lumalabas na kapag nagpahayag ka ng iyong saloobin ay pakikisawsaw agad ang ibubuwelta laban sa iyo.
Maliit mang sektor ang showbiz, it also has a voice that needs to be heard, as well as a mind that sees things from a broader perspective tulad ng pangkaraniwang mamamayan.
Politics and showbiz are like cousins since birth. May mga pulitikong tumatawid sa showbiz as there are showbiz denizens who cross to the other side.
The goings-on sa mundo ng pulitika ngayon ay hindi maaaring hindi pagkunan ng mga samu’t saring opinyon ng mga taga-showbiz. Tulad ng anumang sektor sa ating lipunan, lahat ay apektado ng mga ipinapanukalang batas hanggang sa maipatupad ang mga ito.
Nagkataon lang marahil na marami sa mga taga-showbiz are equipped with analytical minds that they take to social media their bold, fearless views. Patunay lang that underneath their public image ay sila ang mga taong may katuturan, may malasakit sa bayan at may pag-iisip na sasalungat kung kinakailangan.
Labeling becomes unflattering though. Kapag kontra kasi ang mga ito sa nais mangyari ng kasalukuyang liderato ay babansagan silang Dilawan. What’s in a color to begin with?
Where the public interest is at stake, dapat bang pairalin ang “color coding”?
q q q
A few days back ay tahasang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na ayaw niyang si Vice President Leni Robredo ang pumalit sa kanya should the new form of government he wants in effect get a stamp of approval.
Bakit? Incompetent daw kasi si VP Leni.
Well, that’s as far as the President is concerned. Pero kung tatanungin si dating Senate House Speaker Franklin Drilon ay si VP Leni—para sa kanya—ang may karapatang mamuno ng bansa.
Kris Aquino—na parehong may dugong showbiz at pulitikang nananalaytay sa kanyang ugat—shares the same thoughts.
For sure, there are also too many Drilons and Aquinos na tahimik na sumusuporta lang sa VP. Ipagpalagay nating incompetent nga si Leni, sige nga, how could any public official stripped of his/her extra duties prove himself/herself to be competent?
Hindi ba’t malinaw naman ang sinabi ng VP na hindi niya inambisyong maging Pangulo?
Ipagpalagay nating isang malaking eklat lang ‘yon, all the more that Leni should aspire to become Digong’s successor if only to prove na, “Oy, sino’ng maysabing incompetent ako, ha?!”
q q q
Magpaka-showbiz na tayo.
Madilim pa nitong isang umaga (palibhasa nagsusungit ang panahon) nang mag-text kami kay Eric John or EJ Salut. EJ was all over showbiz pages dahil sa kanyang rant kay Sen. Manny Pacquiao the day after he won the fight.
“Love it!” was our text message. Panalo para sa amin ang stand ni EJ, oo nga naman, where was Pacman all along nu’ng tinawag na “stupid” ni Digong ang Panginoon, himself a Senate attendee na may pa-quote-quote pa ng mga verses mula sa Bibliya?
Nakuhang idepensa ng senador ang kanyang titulo sa boksing, pero hindi niya naipagtanggol ang kanyang Diyos?
And again, talk about Digong’s successor, si Pacman. So, between Leni and Manny, ‘di hamak na mas competent at karapat-dapat mamuno ng bansa ang may suot na gloves kesa sa tsinelas?
Oo nga’t hindi mangungurakot si Pacman dahil bilyun-bilyon na ang pera niya. Walang inilayo ‘yon sa taong may libro pero hindi naman niya binabasa.
Hay, naku, let’s just waltz our problems away…no to “Cha-Cha”!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.