Radio broadcaster patay sa ambush | Bandera

Radio broadcaster patay sa ambush

|July 20,2018
facebook
share this

Radio broadcaster patay sa ambush

- July 20, 2018 - 04:34 PM
NASAWI ang isang radio broadcaster nang pagbabarilin ng mga di pa kilalang salarin, sa Daraga, Albay, Biyernes ng umaga. Ikinasawi ni Joey Llana, broadcaster ng DWZR, ang tama ng bala sa iba-ibang bahagi ng katawan, sabi ni Senior Insp. Ma. Luisa Calubaquib, tagapagsalita ng Bicol regional police. Naganap ang insidente sa bahagi ng Alternate Road na sakop ng Purok 6, Brgy. Peñafrancia, dakong alas-4:45. Lulan ng kanyang sasakyan ang 38-anyos na si Llana, nang pagbabarilin, ani Calubaquib, gamit bilang basehan ang ulat na nakarating sa kanyang tanggapan. Patungo si Llana sa kanilang istasyon, aniya. Idineklarang patay ng mga rumespondeng miyembro ng Emergency Management Staff ang broadcaster, alas-6:05. Inaalam pa ang pagkakakilanlan, kinaroroonan, at motibo ng mga salarin, ani Calubaquib.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending