GOOD Afternoon, ask ko lang po ano pong action ang pwedeng gawin sa nangyari sa akin? I am 17 years old when my father died. I am his lone SSS beneficiary.
Pero nakuha po ito lahat ng step mother ko without taking into consideration my concerns.
I really dont have an idea paano nangyari yun na nakuha niya yung benefits na hindi man lang ako pinatawag sa SSS. I hope you will answer my queries. Thank you.
Shyne Berina
REPLY: Ito ay tugon sa katanungan ni Bb. Shyne Berina patungkol sa death benefit mula sa kanyang tatay.
Ayon kay Bb. Berina, namatay ang tatay niya noong siya ay 17 taong gulang pa lamang at nakuha ng kanyang stepmother niya ang kumuha ng death benefit.
Ngunit hindi niya nabanggit ang detalye ng tatay niya gaya ng pangalan, SS number at kung kailan ito namatay.
Mahalaga ang mga impormasyong ito upang matingnan sa record ng SSS ang naging proseso ng death claim ng tatay niya. Pinapayuhan namin siya na ibigay sa amin ang mga nabanggit na detalye upang mabigyan ng tamang tugon si Bb. Berina.
Tama po na bilang menor de edad na anak, si Bb. Berina ay pangunahing benepisyaryo ng tatay niya sa SSS. Katunayan, ang menor de edad na anak ng namatay na SSS member ay makatatanggap ng dependent’s pension na katumbas ng 10 percent ng buwanang pensyon ng miyembro o kaya ay P250 alinman ang mas mataas.
Subalit, ang limang (5) menor de edad na bata lamang, simula sa pinakabata, ang makatatanggap ng dependent’s pension. Matitigil lang ang benepisyo ng ito kapag dumating na sa 21 taong gulang ang anak ng miyembro, mag-asawa o makapagtrabaho.
Nawa’y nabigyan po namin ng linaw ang katanungan ni Bb. Berina.
Salamat po.
Sumasainyo,
May Rose DL
Francisco
Social Security
Officer IV
SSS Media Affairs Department
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.