Kasalang Maxine-Marx pinaplano na pero biglang naghiwalay | Bandera

Kasalang Maxine-Marx pinaplano na pero biglang naghiwalay

Ervin Santiago |July 18,2018
facebook
share this

Kasalang Maxine-Marx pinaplano na pero biglang naghiwalay

Ervin Santiago - July 18, 2018 - 12:10 AM

KAHAPON sa presscon ng pelikulang “Pinay Beauty”, na entry sa 2018 Pista Ng Pelikulang Pilipino, kinumpirma ni Miss Universe Philippines 2016 Maxine Medina na may kanya-kanya na silang buhay ng dating boyfriend na si Marx Topacio.

Kung hindi kami nagkakamali, tumagal din ng seven years ang relasyon ng beauty queen-turned actress at ng model-actor. Ayaw nang idetalye ng dalaga ang rason ng kanilang break-up pero inamin niyang magkaibigan pa rin sila at nagkakausap paminsan-minsan.

Natanong si Maxine sa chika na nagpaplano na raw si Marx para sa wedding nila sana next year pero bigla ngang nabalita na naghiwalay na sila. Sey ng dalaga, alam daw niya ang tungkol dito pero, “Lahat naman kasi di ba, nagbabago, siguro parang kailangan muna namin ng space para ma-appreciate namin ‘yung respective lives namin.”

Posible pa bang magkaroon ng part 2 ang love story nila ni Marx? “Bakit naman hindi, pero let’s see, pero sa akin lang I just really need to focus and alam ko na ang priorities ko ngayon in life. I’m single now pero focus muna sa career ko, because I love what I’m doing.”

In fairness, sunud-sunod nga ang projects ngayon ni Maxine, kabilang na rito ang bago niyang movie na “Pinay Beauty (She’s No White)” directed by Jay Abello. Dito, makikita ang other side ng beauty queen dahil magpapatawa naman siya rito kasama si Edgar Allan Guzman at ang 2018 The EDDYS Best Supporting Actress (Respeto) na si Chai Fonacier.

Siguradong maraming makaka-relate na girls sa “Pinay Beauty” lalo na ‘yung gagawin ang lahat para lang maging tisay. Pasok din dito ang mga taong tunay na magaganda, nagmamaganda at nagpapaganda, pati na rin ang mga martir pagdating sa pag-ibig. Mapapanood na ito mula Aug. 15 to 21 bilang bahagi ng PPP 2018 mula sa Quantum Films, MJM Productions at Epic Media.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending