Zanjoe sa green jokes ng Kusina Kings: Pag si Empoy mabait ang bitaw , pag ako medyo bastos na! | Bandera

Zanjoe sa green jokes ng Kusina Kings: Pag si Empoy mabait ang bitaw , pag ako medyo bastos na!

Reggee Bonoan - July 17, 2018 - 12:30 AM

MAY hawig kaya sa pelikulang “Ratatouille” na ipinalabas noong 2007 ang pelikulang “Kusina Kings” nina Zanjoe Marudo at Empoy Marquez mula sa direksyon ni Victor Villanueva?

Curious kasi kami sa kuwento ni Zanjoe sa presscon ng pelikula na hindi marunong magluto ang karakter niya pero meron siyang kakaibang panlasa – ang terminong ginamit niya ay “matalas ang dila.”

Ang role naman ni Empoy ay isang magaling na chef, ang lahat ng recipe niya ay may tamang panimpla at de-sukat.

Nabanggit din sa presscon na pagod na pagod si Empoy sa shooting dahil siya ang nagga-guide kay Zanjoe sa pagluluto at nang sumali ito sa isang cooking contest.

Ganito rin kasi ang kuwento ng “Ratatouille” na tungkol sa isang daga na gustong maging mahusay na chef pero hindi naman puwede kaya ginamit niya ang lalaking walang trabaho na nagligtas sa kanya.

Ito ang tinuruan niyang magluto hanggang sa naging talk of the town na ang mga specialty niya sa isang restaurant.

Comedy at medyo may kapilyuhan ang pelikula ni direk Victor na siya ring direktor ng “Patay Na Si Hesus” na naging blockbuster sa 2017 Pista Ng Pelikulang Pilipino (PPP). Tawanan ang nasa presscon nang ipalabas na ang trailer ng “Kusina Kings”, lalo na sa eksena kung saan nagbabate ng itlog si Zanjoe.

Double meaning kasi ang mga jokes at punchlines sa pelikula pero sabi nga ni Zanjoe depende na raw sa tao kung paano nila ito iintindihin.

Kaya naman tinanong agad ang cast kung papasa ito sa Movie, Television Review and Classification Board (MTRCB), ang sumagot ay ang Star Cinema executive na si Mico del Rosario.

“Nu’ng binuo po namin ang trailer we always have in mind kung ano po ‘yung papasa sa guidelines ng MTRCB for whichever platform po siya ipalalabas. For example, gumawa kami ng trailer for the cinema at sinigurado po namin na pupuwede siya bata, pang-PG (Parental Guidance),” ani Mico.

Dagdag naman ni direk Victor, “May mga green jokes pero depende naman sa atake, alam ko rin naman na para sa mga bata. It’s about friendship, it’s about love and it’s about cooking naman ang pelikula.”

Sabi naman ni Zanjoe, “Puro kasi kami lalaki sa pelikula, hindi naman siguro magwo-work kung lahat kami magpapa-cute lang kami sa pelikula. ‘Yung mga eksenang ginawa namin, totoo naman, e, nasa tao na lang kung mag-iisip ng kabastusan tulad ng, ‘nagbabati’ e, nagbabati naman siya ng itlog.

“Nasa tao na lang kung paano iintindihin. Tsaka depende rin kasi kung sino ang bumibitaw ng joke. Pag si Empoy, mabait ang bitaw, pag ako, medyo bastos na,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Puring-puri naman ni direk Victor ang dalawang bida ng “Kusina Kings” dahil napaka-natural daw nina Zanjoe at Empoy sa pagpapatawa.

Anyway, mapapanood na ang “Kusina Kings” sa Hulyo 25 at makakasama rin sa pelikula sina Nathalie Hart, Ryan Bang, Maxine Medina, Tiny Corpuz, Hyubs Azarcon, Jun Sabayton, Joma Laba­yen at Nonong Ballinan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending