Dimples, Belle may ipaglalaban sa MMK | Bandera

Dimples, Belle may ipaglalaban sa MMK

- July 14, 2018 - 12:35 AM

ISANG kakaibang kuwento ng pagmamahal sa pamilya ang matutunghayan sa isa na namang espesyal na episode ng Maalaala Mo Kaya ngayong gabi sa ABS-CBN, hosted by Charo Santos.

Bibida rito ang Kapamilya teen star na si Belle Mariano na gaganap bilang isang masunuring anak na handang gawin ang lahat para sa kapakanan ng kanyang mga magulang at kapatid.

Ang simple at masayang buhay ni Emma bilang bata ay biglang magbabago nang kumbinsihin siya ng sariling ama na umanib sa kinabibilangang rebeldeng grupo. Pinaniwalaan niya ang mga ipinaglalaban ng mga ito kaya wala na siyang nagawa kundi sundin ang lahat ng ipinagagawa ng kanyang tatay.

Sa kabila ng pamumuno sa mga kabataang kasapi ng grupo, maaga rin siyang namulat sa karahasan. Habang lumilipas ang panahon nagbabago rin ang paniniwala at paninindigan ni Emma dahil sa kanyang pagmamahal at pagpoprotekta sa kanyang mga mahal sa buhay.

Tama nga kaya ang naging desisyon ni Emma na kalimutan ang kanyang mga sariling pangarap para makipaglaban kasama ang rebeldeng grupo sa murang edad.

Sa panulat nina Benson Logronio at Arah Badayos, at sa direksyon ni Nuel Naval, alamin kung nagtagumpay ba si Emma sa kanyang mga ipinaglaban kasama ang mga rebelde o lubos na nagsisi kung bakit sinunod pa niya ang kagustuhan nmg kanyang ama.

Kasama rin sa MMK episode na ito sina Sharmaine Suarez, Lito Pimentel, Kiko Matos at Dimples Romana. Napapanood pa rin ang longest-running drama anthology sa Asia tuwing Sabado after Your Face Sounds Familiar Kids.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending