Mas may ngiping anti-hazing law pinirmahan na ni Du30 | Bandera

Mas may ngiping anti-hazing law pinirmahan na ni Du30

- July 11, 2018 - 05:26 PM

PINIRMAHAN na ni Pangulong Duterte ang Republic Act 11053, na nag-aamyenda sa Anti-Hazing law, na nagpapataw ng mas mabigat na kaparusahan sa mga sangkot sa hazing matapos namang ang pagkamatay ng University of Santo Tomas’ (UST) freshman law student na si Horacio “Atio” Castillo III.

Sa ilalim ng bagong batas, papatawan ng mas mabigat ng parusa ang mga taong may alam sa hazing, ngunit hindi ito ipinaalam sa otoridad.

Nahaharap ang mga opisyal at miyembro ng fraternity na sangkot sa hazing sa parusang reclusion temporal at multang isang milyon, samantalang mas mabigat naman ang parusang naghihintay sa mga miyembro ng fraternity na sangkot sa hazing na nakainom o nakadroga.

Sila ay papatawan ng parusang habambuhay na pagkakakulong at P2 milyong multa.

Parusang habambuhay na pagkabilanggo at P3 milyong multa naman ang ipapataw sa mga alumni ng fraternity na sumali sa hazing at nagresulta sa pagkamatay, rape, sodomy o mutilation ng biktima.

Mananagot din ang unibersidad kung saan mahaharap sa P1 milyong multa ang mga opisyal sakaling nabigong pigilan ang hazing sa kanilang paaralan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending