HOROSCOPE July 01, 2013 | Bandera

HOROSCOPE July 01, 2013

Madam Sophia - July 01, 2013 - 01:35 PM

Para sa may kaarawan ngayon:  Ipagpatuloy ang pagiging buo  ng loob, abot kamay mo na ang tagumpay. Sa pag-ibig ituloy lang ang walang maliw na pagmamahal sa isang Libra. Sa pinansyal, wag titigil hangga’t hindi yumayaman. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Mapalad ang 7, 11, 28, 37, 44, at 49. Red at green ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)—   Sa panahon ngayong maraming gumugulo sa iyong isipan, si Lord at ang sarili mo lang ang dapat pagkatiwalaan, upang mas madali kang lumigaya at umunlad. Mapalad ang 3, 9, 27, 36, 45 at 48. Mahiwag mong mantra: “Rama-Krishna-Om.” Blue at yellow ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—  Ituloy ang ugaling pagtitipid, upang mas lalo mo pang mapalago ang inyong kabuhayan. Sa pag-ibig, pagpasensiyahan ang kasuyong Virgo, dahil pinagpapasensiyahan ka rin naman niya. Mapalad ang 8, 17, 24, 30, 42 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Suryaye-Maneh-Om.” Beige at violet ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—  Sa pinansiyal, wag kainipan ang pagyaman, kusang darating iyan sa edad mong 50 pataas. Sa pag-ibig, hindi dapat apurahin ang kasuyo, darating ang panahong bibigay din niya sa iyo ang lahat. Mapalad ang 5, 14, 23, 27, 35, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Slowly but surely!” Lilac at white  ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)— Kahit mahina ang iyong loob alam mo bang marami ang naniniwala sayong kakayahan. Ngayon na ang panahon para ipakita ang iyong talento. Mas mabilis na palarin sa pinansyal at pag-ibig, kung magsuot lagi ng kulay na green. Mapalad ang 1, 7, 20, 34, 45 at 49.  Mahiwaga mong mantra: “Shari-Gama-Om.” Bukod sa green buenas ang yellow.
Leo – (July 23 – August 22)— Bagama’t likas sayo ang pagiging ma-arte, kailangang magamit ito sa pagkaka-perahan. Sa pag-ibig, dahil sa taglay mong ka-artehan may babala ng immoral na relasyon. Supilin ang matinding libido ng kamunduhan. Mapalad ang 1, 13, 22, 34, 40 at 49. Mahiwagang mantra: “Graha-Dosya-Om.”  Orange at violet ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)— Mas mangingibabaw ang paghahangad ng salapi. Kailangang maunawaan ito ng iyong kasuyo upang hindi naman siya magtampo. Ipaliwanag sa kanyang kaya ka nagpapayaman, ay para din sa inyong future. Mapalad ang 4, 17, 18, 28, 32, at 42. Mahiwaga mong mantra: “Kali-Homa-Karin-Japa-Om.” Black at maroon ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—  Ang nararamdaman mo sa iyong ka-Facebook ay totoo. Gumawa ng paraan kung ayaw mong maunahan ng iba. Sa pinansyal, hindi ka liligaya kung lagi mong itinatago at ipinagdadamot ang iyong pera. Mapalad ang 6, 5, 15, 24, 41, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Tara-Beha-Jovecal.” Pink at white ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—   Hindi sa lahat ng pagkakataon ay magsasawalang kibo kana lang. Sa pag-ibig kung inilalabas ang tunay mong damdamin mas magiging maligaya ka. Sa pinansyal, kung magpapakatotoo ka mas madali kang yayaman. Mapalad ang 2, 16, 25, 34, 39 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Santosha-Yamas-Pranidhana.” Lilac at purple ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—   Maraming sopresa ang buhay! Pagkatapos ng kalungkutan, ligaya naman ang kasunod, at kahit bahagyang nasimot ang salapi, sa darating na mga araw maraming biyaya ang kusa ng darating. Mahiwaga mong mantra: “Om-Shiva-Om-Durga!” Mapalad ang 3, 9, 18, 27, 34, at 41. Silver at red ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—            ‘Wag hayaan mawala ang minamahal dahil pagiging abala sa trabaho. Maglaan ng oras para sa kasuyong Virgo. Sa pinansyal, aahin ang maraming salapi kung masisira naman ang inyong relasyon. Mapalad ang 4, 10, 16, 27, 39 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Darshana-Jehana-Charintana.” Lilac at yellow ang  buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—      Kung may yumayaya sa iyo sa politika, sumama ka. Panahon na upang ikaw ay sumikat, makatulong at makilala sa inyong lugar. Ang mga Aquarius ay itinakda ng tadhana hindi upang sumunod, kundi upang magpasunod. Mapalad ang 2, 7, 16, 25, 29 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Ba-Banam-Ke-Balam.” Beige at green ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—      Masyadong mataas ang iyong ambisyon. Hindi masama basta magsumikap at wag sumuko sa anumang hirap na pagdaraanan. Darating ang araw isa-isa ng matutupad ang iyong mga pangarap.  Sa pag-ibig ituloy lang ang pakikipag-relasyon sa isang Cancer.  Mapalad ang 1, 4, 18, 26, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Tatha-Yantra-Sakra.” Pink at gold  ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending