Net satisfaction rating ni Du30 bumaba- SWS | Bandera

Net satisfaction rating ni Du30 bumaba- SWS

Leifbilly Begas - July 10, 2018 - 05:59 PM
BUMABA sa ‘good’ ang net satisfaction rating ni Pangulong Duterte, ayon sa survey ng Social Weather Stations (SWS) noong Hunyo. Mula sa 56 porsyento noong Marso, bumaba ang rating ni Duterte sa 45 porsyento. Ito na ang pinakamababang rating ni Duterte mula ng manungkulan siya noong Hulyo 2016. Ang sumunod na pinakamababa ay 48 porsyento na naitala noong Setyembre 2017. Ang pinakamataas na net satisfaction rating ni Duterte ay 66 porsyento noong Hunyo 2017. Sa pinakahuling survey, si Duterte ay nakakuha ng 65 porsyentong satisfaction rating, 15 porsyentong undecided at 20 porsyentong dissatisfied. Nakapagtala si Duterte ng pagbaba sa kanyang satisfaction rating sa lahat ng bahagi ng bansa. Siya ay nakakuha ng 59 porsyentong satisfied, 16 porsyentong undecided at 25 porsyentong dissatisfied sa Metro Manila mula sa 72-10-14 sa March survey. Sa iba pang bahagi ng Luzon ay 57-19-24 mula sa 58-23-19. Sa Visayas ay 67-13-20 mula sa 75-16-9. Sa Mindanao ay 84-7-8 mula sa 87-8-5 noong Marso. Kinuha sa survey ang opinyon ng 1,200 respondents na edad 18 pataas. Mayroon itong error of margin na plus/minus tatlong porsyento.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending