Pagkamatay ni Coco sa 'Ang Probinsyano' iniyakan ng madlang pipol, nag-trending | Bandera

Pagkamatay ni Coco sa ‘Ang Probinsyano’ iniyakan ng madlang pipol, nag-trending

Alex Brosas |July 11,2018
facebook
share this

Pagkamatay ni Coco sa ‘Ang Probinsyano’ iniyakan ng madlang pipol, nag-trending

Alex Brosas - July 11, 2018 - 12:15 AM

NAGKAGULO sa Twitterverse last Monday nang mamatay ang Cardo Dalisay character ni Coco Martin sa FPJ’s Ang Probinsiyano.

Na-shock ang milyong televiewers nang mabaril ang character ni Coco sa isang eksena. May isang batang nakunan na pumalahaw nang todong iyak nang mapanood niya ang eksena. Talagang iyak siya nang iyak sa video na aming nakita.

As expected, nag-trending topic ang “pagkamatay” ni Cardo. Talagang pinag-usapan ito sa social media.

“Natulala mga anak ko akala talagang patay na si Cardo. Pati ako sabi ko pag nabuhay pa to pagkatapos ng nangyari di na kapani paniwala. Hahahaha.”

“Kala ko naman patay na talaga si Cardo! Tapos may iba namang Cardo ang gaganap si Xander Ford tapos ayun maiiba na rin yung title magiging FPJ’s Ang RETOKADO! Kahit butas ng tigyawat mo papasukin ko.”

“Ako din ang hula ko panaginip lang. Yung mga anak ko sabi ako daw ba ang direktor kaya nahulaan ko.”

May isang photo sa Facebook na kumalat tungkol pa rin kay Cardo. Nakunan ng photo ang isang sari-sari store na walang tao at may nakalagay na message which reads: “Pag oras ng Cardo sarado”.

Ang lupit mo talaga, Coco. Ikaw lang yata ang makakagawa ng ganyang eksena sa telebisyon. Ang galing din ng Dreamscape Entertainment for making your show the number one in the country.

q q q

Isa pang pinag-usapan sa social media ay ang video post ni Khyla Miranda about her lola na nanonood ng The Blood Sisters.

Sa video ay kuhang-kuna na affected much ang lola sa isang eksena which involved Erich Gonzales and her son in then show. Sa sobrang affected ng lola ay napamura siya ng ilang beses.

“Shout out po sa abs-cbn kelan poba matatapos yung The blood sister? Pls lang ayoko ng ma high blood lola ko sa sobrang intense ng palabas nyo HAHAHAHA,” say ni Khyla sa kanyang caption.

The video yielded 37,777 shares sa Facebook at talagang nag-react ang mga tao sa eksena ni lola.

“Stressed siya HAHAHA.”

“Parang si nanay pag nanonood eh mura nga lang ng mura. Hahaha.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ganyan ako nung episode na yan bwahaha! Parkkkkk!”

“Ganyan din aq man0od nang BloodSisters. Hahaha.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending