Lagim, delubyo, sakuna darating | Bandera

Lagim, delubyo, sakuna darating

- January 04, 2010 - 01:11 PM

Ni JOSEPH GREENFIELD
Resident psychic
(Noong 2009, nahulahaan ni Joseph Greenfield ang pagdating, sa eksaktong araw at petsa, ng mga bagyong Ondoy at Pepeng at ang iniwang mga patay nito; at ang pag-aalburoto ng Mayon sa huling bahagi ng taon. —ed)
Una sa serye
SA taon 2010, aahon mula sa pusod ng dagat ang mapamuksa at mapang-wasak na Bakal na Tigre, na maghahasik ng lagim, delubyo at sakuna sa buong bansa. Sa pagpasok ng unang hati ng taon, simula Enero hanggang Marso, bagama’t humupa na ang nag-aalburotong bulkang Mayon, sa huling linggo ng Enero hanggang sa buwan ng Pebrero muli na namang itong maglalabas ng makapal na usok, lava at lahar, hanggang sa tuluyang sumabog. Magaganap sa mga petsang 25, 26, 27, 8, 12, 13. Sa kalagitnaan ng hating gabi, maririnig ang malalakas na pagsabog, pagdausdos ng mga rumaragasang bato at lahar, habang sa himpapawid  makapal na usok ang makikita sa kalangitan, maraming masasawi sa panahong iyon, na magaganap sa araw ng Lunes, Martes, Biyernes, at Sabado.
Sa kalangitan, sa buwan ding ito ng Enero hanggang Mayo, dalawang sasakyang panghimpapawid ang biglang mawawala sa kalawakan. Ang isa ay sasabog sa ere habang ang isa ay babagsak sa kagubatan. Sakay ng nasabing mga sasakyan ang mga pangunahing personalidad sa bansa na may initial na B, E, F, G, M, S, T, V at Y. Mangyayari ito sa mga petsang 1, 4, 6, 17, 22, 25 at 27, sa mga araw ng Lunes, Huwebes, Sabado at Linggo.
Sa patuloy na pagragasa ng kamandag ng Bakal na Tigre, simula Enero hanggang Abril, itatala ang malalaking sunog sa Kalakhang Kamaynilaan.  Lalamunin ng apoy ang matataong lugar sa Quiapo, Makati, Quezon City, Camp Crame at  Camp Aguinaldo. Gayundin ang malalaki at pangunahing shopping mall, mga simbahan, kampo ng militar at ang tanggapan ng Commission on Elections sa Intramuros. Masusunog din ang iba pang pangunahing munisipyo at kapitolyo, sa iba’t ibang lunsod. Magaganap at mararanasan ang mga sunog na ito sa mga petsang 3, 6, 14, 15, 29 at 31, sa mga araw ng Huwbes, Biyernes, Sabado, Linggo at Lunes.   (Itutuloy)

BANDERA Editorial, 010410

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending