NIYANIG ng magnitude 4.0 lindol ang Isabela ngayong araw, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology.
Naramdaman ang lindol alas-2:04 ng hapon. At ang sentro nito ay 15 kilometro sa silangan ng San Pablo at may lalim na 21 kilometro at sanhi ng paggalaw ng tectonic plate sa lugar.
Walang inaasahang pinsala at aftershock ang lindol na ito.
Naramdaman ang Intensity IV paggalaw sa San Pablo, Isabela; at Enrile, Cagayan.
Intensity III naman sa Tuguegarao City at Penablanca sa Cagayan; Cabarroguiz, Quirino; Echague at Cabagan sa Isabela.
Intensity II Maconacon at Divilacan sa Isabela. At Intensity I sa Ilagan City at Tumauini sa Isabela.
May naramdaman ding Intensity I ang instrumento ng Phivolcs sa Santiago City, Isabela.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.