Julia hate na hate ang kakulitan ni Joshua: Pero pag wala siya, yun ang nami-miss ko! | Bandera

Julia hate na hate ang kakulitan ni Joshua: Pero pag wala siya, yun ang nami-miss ko!

Reggee Bonoan |July 09,2018
facebook
share this

Julia hate na hate ang kakulitan ni Joshua: Pero pag wala siya, yun ang nami-miss ko!

Reggee Bonoan - July 09, 2018 - 12:01 AM

KINAKABAHAN na sina Joshua Garcia at Julia Barretto sa nalalapit na showing ng “I Love You, Hater” ngayong Miyerkules, Hulyo 11 kaya naman panay na ang pagdarasal nila.

Nakatsikahan namin ang tambalang JoshLia sa pocket interview para sa pelikula nila at inamin ng dalaga na, “Ilang days na lang at parang nag-skip ‘yung heart ko.

“Everytime na may lumalabas (kaming) pelikula may heart really beats so fast and I get so nervous and excited. I don’t know how to feel parang all over the place ang pakiramdam ko.”

Para naman kay Josh, mas lamang ang excitement kesa sa nerbiyos. Pang-apat na pelikula na nila ito ng kanyang “Baba” (Julia) at malayo na rin ang narating nila as loveteam pero mas masaya raw siya para sa direktor nilang si Giselle Andres.

“Kasi siyempre kasama namin si Ms. Kris Aquino. Kaya masaya ako para sa ‘yo direk kasi may bago ka na namang pelikula. At siyempre sa atin (sabay lingon kay Julia),” saad ng aktor.

Inamin din ng dalawa na inaalam talaga nila ang kinikita sa bawa’t araw ng kanilang pelikula.

“Siyempre po, nakakanerbyos din dahil Star Cinema, we want to achieve yung na-achieve na rin ng formulated rom-coms (romantic movies) so, that also makes me nervous trying to meet some expectations,” say ni Julia.

“Mino-monitor namin ‘yung kita kung magkano na. Tapos may ginagawa rin kami ni Julia, nanonood kami secretly kasi tinitingnan namin kung ano ang reaksyon ng tao.

“Sa iba-iba (sinehan) kami nanonood, kasi may mall na pangmasa, may mall na pangmayaman so tinitingnan namin ang reaksyon nila kasi iba-iba rin ang taste nila, eh. Pag sa mayaman, medyo corny sa kanila ‘yung ibang jokes. Sa masa naman, ‘uy benta ‘to!'” pagtatapat ni Joshua.

Natanong din kung may love advice ba sa kanila si Kris na gumaganap na lady boss nila sa pelikula.

“Sabi sa akin ni Ms. Kris, importante raw na bigyan mo ng closure ‘yung babae pag gustong kausapin ka, ibigay mo, hindi puwedeng isnabin mo lang,” say ni Joshua.

Wala naman daw ipinayo ang social media influencer kay Julia tungkol sa pag-ibig, “Yes, wala po.”

Anyway, natanong din ang dalawa kung ano ang pinaka-hate nila sa isa’t isa pero sa kabila nito ay nananatili pa rin ang love sa pagitan nila.

“Si Josh kasi mahilig mangulit, pero maganda rin ‘yung may nangungulit pero minsan kasi kapag wala kang tulog, pagod na pagod ka alam mo ‘yun? Pero in-embrace ko na ‘yun kasi hindi naman siya talaga makulit as a person sa akin lang talaga siya makulit.

“Ako kasi kapag sinabi kong tama na (makulit), tama na. Hindi ako ‘yung tipo na secretly gusto ko pa. So ‘yun ‘yung medyo hindi naman talaga hate, kundi tama na, wag mo na masyadong i-push.

“Pero hinahanap ko kasi kapag may eksena akong kukunan that day, walang nangungulit, boring pala, so nakaka-miss ‘yun, kaya na-accept ko na, in-embrace at ni-love ko na yung quality niya na ganu’n,” pa-cute na kuwento pa ng dalaga.

Ayon naman sa binatang aktor, “Yung pagiging moody lang niya, pero love ko kasi ‘yan!”

Depensa ni Julia, “Kasi nga mahilig mangulit tapos kapag nagalit ako, magtatampo siya bakit ako nagalit, pero kasalanan naman niya, kaya doon talaga. Hindi ko na alam kung saan ako lulugar.”

“Ang maganda kasi kay Joshua kapag nagsabi ako ng mga tampo ko, sinasabi ko lahat, isa-isa at hindi ‘yan kumikibo at tahimik lang siya. So pag tahimik siya parang napu-frustrate ako, parang ako na lang, salita nang salita?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“After kong sabihin lahat, in fairness nakikinig pala siya at isa-isa niyang iso-sorry one by one, so it’s sorry na hindi bumigay (makipagbati), girl ako, eh. In fairness, he’s a good listener,” papuri pa ni Julia sa binata.

Samantala, ngayon pa lang ay inaabangan na ng mga fans ng JoshLia ang “I Love You, Hater” na showing na sa mga sinehan sa Hulyo 11, Miyerkules mula sa Star Cinema, directed by Giselle Andres. Kasama rin dito sina Romualdo Valdez, John Estrada at marami pang iba.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending