Payo ni Herbert kay Kris: Huwag masyadong pasaway, mas masarap maraming kaibigan! | Bandera

Payo ni Herbert kay Kris: Huwag masyadong pasaway, mas masarap maraming kaibigan!

Ronnie Carrasco III - July 09, 2018 - 12:15 AM

IF A thick slab of meat had a life, would it offer itself to a hungry lion? Obviously not.

Pero hindi ganito ang ginawa ni Quezon City Mayor Herbert Bautista sa kanyang sarili nang humarap siya sa members ng entertainment press para sa kanyang taunang pa-birthday sa mga ito.

Yearly without a fixed month or date pero hindi nakakalimot si Bistek para bigyan ng pagpapahalaga ang mga miyembro ng media on their birthdays. Personally, ito ang aming ikalimang beses since 2014 joining all the other celebrators.

Last year, sa aming pagkakatanda, Mayor HB was represented by his younger sis Harlene as the mayor was on an official trip sa labas ng bansa. At kung hindi kami nagkakamali, nitong lang July 6 (Friday) niya idinaos ang nakasanayan nang gathering right in his office (at the Bulwagang Amoranto sa ikatlong floor ng QC Hall).

Sa pangkalahatang aspeto ng kanyang buhay, the occasion bore significance dahil sa launch ng kanyang 306-page biography titled “Bistek @ 50, Life In Full Color.” Five different “Bisteks” are on the cover: as a schoolboy, a yuppie, a military personnel, a “statesman” and a mayor at work.

Proudly, inanunsiyo ni Bistek na may tatlong bahagi ang makulay na aklat: Kulay Buhay, Kulay Showbiz at Kulay Serbis. Without much need to explain, kinakatawan nito ang mga phases sa buhay ng Golden Boy (born in May and christened Herbert Constantine).

But let’s face it. As far as the members of the media are concerned, anumang event na pinupuntahan nila which strictly adheres to the rules according to the very purpose of getting it written about or aired (sa kaso ng radyo at TV) ay isang ho-hum. In short, wa wenta.

At para bumenta, it needs a little spice. At sa kaso ng Herbert’s book launch na ‘yon, kailangan may pangiliting intriga.

q q q

Hindi masasabing hardsell si Bistek these days, much less the past few weeks na kahit wala namang ipino-promote na pelikula figured prominently in showbiz news. Ikaw na ang makunek kay Kris Aquino, eh, even the faultless, lifeless steel fence na ikinasugat niya noon in her forgettable—if not forgotten—travelogue could be a “superstar” in its own right.

At eto na ang mga isyung may kunek kay Kris: to our understanding, parang hindi naman well-informed si Bistek sa mga kaganapan sa recent presscon ng Star Cinema comeback movie ni Kris. Neither was the diminutive city leader aware of Kris’ classic hugot lines patungkol sa kanya.

“O, talaga?” “O, sinabi niya ‘yon?” Ilan lang ito sa mga naghahalinhinang tanong ng alkalde bilang reaksiyon sa mga pinakawalang salita ni Kris sa presscon.

But of course, sa lahat ng mga ini-emote ni Kris, ang pinakanagmarka like a drop of indelible ink on a voter’s fingernail ay ang, “This is what he’s missing!” Samahan natin ng video ang clip na ‘yon, inirampa ni Kris sa harap ng media how successfully she has achieved a figure na dapat pinagnanasahan ni Bistek.

May counterpart ‘yon sa mga gay beau-con sa swimsuit category. Ang lola mong naggugumanda na kita na ang mineyk-apan namang kuyukot ay bigla na lang papaluin ang nakausli niyang puwet, sabay sabing: “Walang inangit!” to the delight of the audience.

‘Yung kay Kris ay parang ganu’n din lang ang peg. May himig ng pagtataray para siya nga nama’y panghinayangan.

Pero sabi nga ni Machiavelli, “The end does not justify the means.”

Sa naturang book launch ni Mayor HB ay hiningan siya ng komento tungkol sa hugot line na ‘yon ni Kris, to which ang sagot nito ay, “Sorry, hindi niya ako matitikman!” sabay tayo, pero bumalik din sa grupo ng press begging na huwag itong isulat.

Obviously, it was a joke. Nakalimutan nga lang naming i-follow up kay Bistek if just like a sentence, did he crack a dangling joke?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Baka kasi what he meant was, sorry, hindi niya ako matitikman…again!

Nang hingan naman siya ng mensahe para kay Kris, ito ang sagot niya, “I wish her really the best in her career, and I know she’s going to go matagal pa (pagpasok sa politics). Kaya huwag masyado pasaway, mas masarap maraming kaibigan.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending