Bistek: Sana wala akong nasaktan, natapakan at nakaaway! | Bandera

Bistek: Sana wala akong nasaktan, natapakan at nakaaway!

Alex Brosas |July 08,2018
facebook
share this

Bistek: Sana wala akong nasaktan, natapakan at nakaaway!

Alex Brosas - July 08, 2018 - 12:30 AM

NATANONG si Mayor Herbert Bautista kung ano na ang status ng relasyon niya with Kris Aquino.

“Kanina nga tinatanong ako kasi ‘di ba nauso ‘yung assassination. Sana wala akong nasaktan, natapakan sa serbisyo at wala akong nakaaway. Hangga’t maaari lahat tayo kaibigan natin.
Same answer to your question. Hangga’t maaari kaibigan lahat,” say ni Mayor Herbert.

Nagbakasyon ng dalawang linggo si Mayor kasama ang dalawa niyang anak at partner na si Tates Gana. Treat pala iyon ni Mayor dahil nag-graduate na ang daughter niyang si Athena.

“Hindi kami nagkakausap kasi busy ako lately. Siya nagsu-shooting pa yata hanggang ngayon. Talagang pukpukan sila. Busy rin ako kasi gumradweyt ang anak kong babae, si Athena. Thank you Lord. It’s been a month and a half na hindi kami nagko-communicate,” chika ni Mayor Herbert.

When asked kung anong label ang relasyon niya with Kris, he said, “It’s a special bond, eh. Hindi kayo mag-boyfriend-girlfriend, hindi kayo magbarkada lang, special bond, eh. Katulad nga ng sinabi ko, mutual respect kaya medyo mataas na uri ng pagkakaibigan.”

May pahaging na tanong sa kanya if he’s aware na merong nali-link na lawyer kay Kris, “Kasi nga gusto niyang maging lawyer nong araw pa kaya lang walang opportunity na makapag-aral siya,” sagot niya.

Incidentally, inaayos na ang distribution sa mga bookstore ng libro ni Mayor Herbert na “Bistek @50 Life in Full Color: The Herbert Bautista Biography”.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending