Kris hinding-hindi makakalimutan si Bistek dahil... | Bandera

Kris hinding-hindi makakalimutan si Bistek dahil…

Cristy Fermin |July 08,2018
facebook
share this

Kris hinding-hindi makakalimutan si Bistek dahil…

Cristy Fermin - July 08, 2018 - 12:25 AM

NAGING marespeto at propesyonal sa pagsagut-sagot si Mayor Herbert Bautista sa kabi-kabilang tanong sa kanya tungkol sa tunay nilang relasyon ni Kris Aquino.

Hindi niya malaman kung paano niya ‘yun ilalarawan. Sobra pa sa pagkakaibigan pero hindi naman masasabing sila na nga. Basta, ayon kay Mayor Bistek ay meron, pero kung ano ‘yun ay hindi rin niya maidetalye.

Inamin ng aktor-pulitiko ang kuwento ni Kris nang maging panauhin namin ito sa “Cristy Ferminute” na nu’ng magkasama silang bumili ng singsing na brilyante sa Europe ay na-decline ang kanyang credit card.

Totoo raw ‘yun, kaya si Kris ang nagbayad, pero agaran din naman daw niyang binayaran ang ipinaluwal ng aktres-TV host sa pagbili ng singsing.

Pero masarap pakinggan ang pahayag ni Mayor Herbert na nu’ng malungkot at bagsak ang mundo ni Kris ay sila ang palaging nagkokomunikasyon.

Bumaba na sa posisyon nu’n si P-Noy at nawalan din ng kontrata sa ABS-CBN si Kris.

Sa aming opinyon ay ‘yun ang nagpatibay sa kanilang samahan, ‘yun ang dahilan kung bakit hindi makalimutan ni Kris si Mayor Herbert, napakahalaga nga namang malaman na sa kabila ng pagtalikod sa kanya ng mundo ay may isang Mayor Herbert na nagpasaya sa kanya.

May isang taong nagpahiram sa kanya ng panahon sa pakikinig sa kanyang emosyon, may isang taong nagpayo sa kanya na tanggapin lang ang kanyang naging kapalaran, dahil isang araw ay matatapos din ang lahat at babangon nang nakangiti si Kris.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending