Karla mas lalong sinuswerte habang nilalait ang katabaan | Bandera

Karla mas lalong sinuswerte habang nilalait ang katabaan

Dominic Rea - July 05, 2018 - 05:03 PM

HINDI tumitigil ang ilang bashers sa panlalait sa katawan ni Queen Mother Karla Estrada. Mas lalo pa raw lumaki ang singer-actress at baka raw hindi na kayanin pa ng kahit anong workout at ng liposuction.
Nang muling umariba ang showbiz career ni Karla ay maraming natuwa pero marami rin ang nainggit kaya kasabay ng paghataw niya sa mundo ng telebisyon at sa pelikula ay marami rin ang patuloy na nambabagsak sa kanya.

Kasama na talaga sa pagsikat ng isang celebrity ang pang-iintriga. Sabi nga nila, kakambal na ng kasikatan ang tsismis sa buhay ng tao lalo na sa mundo ng showbiz. Mabuti na lang at isa ring babaeng bakla si Karla kaya kering-keri niyang i-handle ang mga intriga.

Sa totoo lang, napakasakit ng mga salitang ibinabato nila kay Karla pero never itong naging balakid upang patuloy na lumaban. Hindi rin kailanman nagtanim ng galit ang host ng Magandang Buhay sa mga taong nanlalait sa kanya.

“Wala kasi akong insecurities sa buhay Dom. Kaya hayaan na natin sila. At saka kilala mo naman ako hindi talaga ako mapagpatol sa mga ganyang bagay, mga non-sense na bagay. Kapag pinatulan ko ba, may mapapala ba ako? Wala naman diba?

“So, ganoon lang yun. Hayaan mo sila sa gusto nilang sabihin. Basta ako, mas maraming bagay pa ang dapat nating pagtuunan ng pansin at panahon at ipagpasalamat sa buhay na ito ngayon. Doon na lang ako!” paglalahad pa sa amin ni Queen Mother.

Habang nilalait at bina-bash si Karla ay patuloy naman ang pagdating ng blessings sa kanya. Bukod sa kanyang morning show at sitcom, tinatapos na rin niya ang pelikulang “Familia BlandINA” under Artic Sky Productions mula sa direksiyon ni Jerry Sineneng.

May vlog na rin ngayon ang nanay ni Daniel Padilla at hands on din siya sa dumaraming branch ng Queen Mother Salon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending