DOH nagdeklara ng leptospirosis outbreak sa ilang bahagi ng MM | Bandera

DOH nagdeklara ng leptospirosis outbreak sa ilang bahagi ng MM

- July 05, 2018 - 03:25 PM

NAGDEKLARA ang Department of Health (DOH) ng outbreak ng leptospirosis sa ilang bahagi ng Metro Manila matapos ang pagtaas ng mga kaso sa nakalipas na linggo.

Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na mas mataas ang mga kaso ng leptospirosis ngayon kumpara sa nakalipas na limang taon.

Kabilang sa mga apektadong lugar ay
Quezon City, Taguig, Pasig, Parañaque, Navotas, Mandaluyong, at Malabon.

“These are already considered outbreaks because they have already breached the epidemic threshold, which means that the cases reported now in these cities and barangays – as I have stated them one by one – they have already gone past the number or the average number for the last 5 years,” sabi ni Duque.

Idinagdag ni Duque na umabot na sa 234 ang kaso ng leptospirosis na naiulat sa Metro Manila simula Enero ngayong taon, mas mataas kumpara sa 146 kaso na naitala noong isang taon.

Ayon pa sa datos ng DOH, umabot na sa 1,040 ang kaso sa buong bansa noong Hunyo 16, kung saan
99 ang nasawi.

Sa kabuuang mga nasawi, 38 rito ay naitala sa Metro Manila.

Sinabi ng Centers for Disease Control and Prevention, na kabilang sa mga sintomas ng sakit ay mataas na lagnat, pananakit ng kasu-kasuan, pagsusuka, paninilaw at pagtatae.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending