2 suspek huli sa pagbebenta ng P3.4M shabu sa QC mall — PDEA
TINATAYANG 500 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P3.4 milyon ang nakumpiska matapos ang isinagawang buybust operation sa Quezon City, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Batay sa ulat na isinapubliko ng PDEA kahapon, huli sa akto sina Abdul Socri Socor Daromimbang at Salman Socor Daromimbang noong Linggo sa loob ng basement parking ng isang mall sa kahabaan ng Congressional Avenue at Jupiter Street sa Project 8.
Sinabi ng mga operatiba mula sa PDEA Special Enforcement Service (SES) at PDEA Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM), na nakalagay ang mga shabu sa limang transparent plastic ice bag.
Kapwa kinasuhan ang mga suspek ng paglabag sa Article II of R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.