Mayor ng Gen. Tinio, Nueva Ecija patay sa ambush
NASAWI ang alkalde ng Gen. Tinio, Nueva Ecija, nang pagbabarilin ng mga di pa kilalang salarin sa Cabanatuan City, Martes ng hapon.
Itinakbo pa sa ospital si Mayor Ferdinand Bote, 57, ngunit di na umabot nang buhay, ayon sa inisyal na ulat ng Central Luzon regional police.
Naganap ang insidente sa bahagi ng Maharlika Highway na sakop ng Brgy. Imelda, dakong alas-4:30.
Sakay si Bote ng kanyang Toyota Fortuner (AAB-2020) nang pagbabarilin ng mga lalaking lulan ng motorsiklo, ayon sa ulat.
Dinala ang alkalde sa M.V. Gallego Hospital dahil sa tama ng bala sa iba-ibang bahagi ng katawan, ngunit idineklarang dead on arrival ng doktor.
Inaalam pa ang pagkakakilanlan, kinaroroonan, at motibo ng mga salarin, na agad tumakas patungong silangan matapos ang insidente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.