Pak: Misis ng sikat na male celeb pang-blind item ang ugali; mas galante sa mayaman | Bandera

Pak: Misis ng sikat na male celeb pang-blind item ang ugali; mas galante sa mayaman

Cristy Fermin - July 03, 2018 - 12:15 AM

MAY mga kaibigan ang sikat na mag-asawa na nagpapatunay na mahirap pakibagayan ang misis. Ang lalaki kuno ay consistent sa kabila ng kanyang tagumpay.

Mga matatagal na nilang kaibigan ang nagsasabi na mahirap hulaan ang ugali ng babae, madalas kasi siyang deadma lang sa mga kaibigan nilang mag-asawa, may kakambal pa kunong pagsima-simangot ‘yun.

Kuwento ng aming source, “Wala silang reklamo sa lalaki, very consistent kung tawagin nila ang guy, kahit pa sobrang successful na siya. Walang ipinagbago ang ugali niya, kahit saan sila magkita-kita, e, siguradong lalapit at lalapit sa kanila ang lalaki.

“Pero ang wife niya, sobrang mahirap ispilengin ang ugali, pang-blind item ang ugali niya dahil hindi mo alam kung kailan siya okey o hindi.

“May time na okey naman siya, bumabati naman at naka-smile, pero kadalasan, e, parang deadma lang siya at nakasimangot! Mahirap hulaan ang mood niya!” simulang chika ng aming impormante.

Nu’ng minsan kunong nagpatawag ng mga dating kaibigan ang matagumpay na male personality ay hindi nakita ng mga bisita si misis. Buong gabi silang nandu’n pero ang male personality lang ang nakasama nila.

Balik-chika ng aming source, “Pero kapag mga yayamanin at mga sikat na personalities ang mga bisita nila, e, hinaharap ni misis ang mga bisita nila. Pinaghahandaan niya ang okasyon, nagbibihis siya nang maayos at kuntodo naka-make-up pa siya!

“Pero kapag ang mga kaibigan lang ng guy ang nasa mansiyon nila, e, ni hindi sumisilip si misis, kasi nga, mga ordinaryong tao lang sila. Sa isip siguro ng girl, e, ibang-iba na ang level nila ngayon.

“Very selective ang mood niya. Kung mga ka-rubbing elbows na nila ngayon ang may party sa mansion nila, e, hindi siya magkandaugaga sa pag-eestima sa mga bisita nila.

“Sana, maisip din niya na hindi naman sila mayaman agad, nagkaroon lang ng suwerte ang husband niya, kaya naging richie-richie sila. Kundi dahil du’n, e, poor pa rin naman sila ngayon.

“Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, siguradong kilala n’yo na kung sino ang misis na ito ng isang napakatagumpay na male personality. Pak!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending