Natural cure ni mother nature sa UTI | Bandera

Natural cure ni mother nature sa UTI

Jennifer Bilog - July 02, 2018 - 04:49 PM

ISA sa pinaka common na sakit ng mga Pilipioo ang urinary tract infection o UTI, lalo na sa mga kababaihan, partikular na sa mga momshie!

Ilan sa mga sintomas ng UTI ay masakit at paunti-unting pag-ihi. Minsan ay makararanas din ng pagsusuka at kasabay nito ang pagkahilo na magiging sanhi ng panghihina at may kasamang lagnat.

Kaya mga beshie kung di keri ng budget mo para sa mga gamot, puwedeng-puwede mong subukan ang mga ilang halamang gamot courtesy of Mother Nature:

Mais

Maaari mong pakuluan ang mais at inumin ang pinaglagaan nito. Ang mais ay may natural na tannin at antioxidant na nakakagaling din.

Bawang

Ang bawang ay may allicin, at isang active ingredient na may antimicrobial at antifungal effect at ito ay maaaring makatulong at nakakagaling sa UTI.

Cranberry

Maaaring bumili ng craberry juice sa grocery stores at inumin ng tatlo hanggang apat na beses kada araw.

Buko juice

Ang sabaw ng buko ay mabisang pampaihi, uminom nito ng maraming beses sa isang araw para malinis ang daluyan ng ihi.

Sambong

Pakuluan lamang ang dahon nito at inumin na parang tea hanggang gumaling ang UTI, kilala ito bilang diuretic o pampaihi.

Banaba

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pakuluan ang dahon, inumin ng apat na beses sa araw-araw.

Pero siyempre mga beshies and momshies hindi ito cure-all. Dapat may disiplina din tayo sa sarili at samahan din ng: pag-inom ng maraming tubig; pag-eehersisyo; tamang hygiene; pag-iwas sa masisikip na pantalon at legings; at pagkain ng tama.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending