Aktor galit na galit sa manlolokong female celeb, ipinagpalit sa ibang boylet | Bandera

Aktor galit na galit sa manlolokong female celeb, ipinagpalit sa ibang boylet

Reggee Bonoan - July 02, 2018 - 12:15 AM

GALIT na galit ang isang character actor sa kilalang female celebrity dahil akala niya’y seryosohan na ang kanilang relasyon pero hindi pala.

Kuwento ng aming source, “Seryoso kasi si _____ (character actor) kay _____ (aktres), maski na alam mong may mga pinagdaanan na ay tanggap naman siya dahil mahal nga niya si girl. Kaya ang lolo mo talagang working hard para makaipon at hoping na sila na nga hanggang sa huli.

“E, nagulat na lang isang araw paggising niya (character actor), may iba na namang boylet yung girl. Kinausap niya kung ano ‘yung isyu pero mega-tanggi ang lola mo, siyempre mahal nga kaya bulag-bulagan si lolo, pero ang ending true pala.

“Naloka si ____ (aktor) kaya galit na galit at ayaw na ayaw na niyang marinig ang pangalan nu’ng babae, halos isumpa niya ang ginawang panloloko ng girl,” sabi pa ng aming source.

Hay, isang magandang relasyon na naman ang nasira na inakala nga ng kanilang pamilya at mga kaibigan na magkakaroon ng happy ending.

Baka kasi ngayon pa lang nagdadalaga ang aktres kaya hindi pa seryoso sa lovelife. Pero malay natin, baka sinusubok lang ang kanilang relasyon at sa huli ay sila pa rin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending