Pagpapagamot ng isang opisyal pinasagot sa pondo ng gobyerno | Bandera

Pagpapagamot ng isang opisyal pinasagot sa pondo ng gobyerno

Leifbilly Begas - June 27, 2018 - 12:10 AM

ANG lupet naman talaga nitong isang government official at pati ang kanyang pagpapagamot ay naka-charge sa government fund.

Buti sana kung maliit ang suweldo ng opisyal, six digits ang kanyang kinikita buwan-buwan mula sa gobyerno, mula sa buwis na ikinaltas sa suweldo mo at ipinatong sa mga binibili mo, kuryente mo at water bill mo.

Tahimik na sumailalim pala sa operasyon itong si government official sa isang government specialty hospital.

Dahil medyo sensitive ang operasyon, umabot ng six digits ang hospital bill.

Sa halip na bumunot sa sariling bulsa, pinapunta ni government official ang kanyang staff sa ilang mambabatas na mayroong pondo sa naturang government hospital.

Mayroong pila sa listahan ng mga tutulungan, at isiningit daw ang pangalan ni Mr. Official para mauna siyang matulungan.

Limitado lang kasi ang bilang ng mga maaaring matulungan ng mga mambabatas ngayon.

Hindi kaya naisip ni Mr. Official na mayroong mga mahihirap na dapat ay makinabang sa pondo na kanyang ginamit?

Meron naman siyang pera, baka nagkukuripot lang.

O baka naman gusto lang talaga niya ng libre.

Malaki naman ang sweldo at dahil opisyal ng gobyerno ay pumayag pa ang ospital na hulog-hulugan na lang niya.

Andami-daming mahihirap na walang-wala talaga at nangangailangan na makapagpagamot.

Itong si Mr. Official ay sumikat dahil sa kanyang role sa eleksyon noon. Nasalang siya sa kontrobersya at naalis sa puwesto pero nakabalik din.

Pinutatke rin siya ng batikos dahil sa kanyang isinuot na uniporme.

Duda ang isang solon sa dami ng pagkakamali na nagawa ng Presidential Communications Operations Office.

Nariyan ang Norwegia ng mga taga-Norway, at si Sen. Winston Gatchalian.

Hindi naman daw kasi bobo ang mga taga-PCOO para magawa ang mga ganitong pagkakamali. At marami umanong paraan para maiwasan ang mga ganitong mistakes.

Kaya duda ng mambabatas baka sinasadya na ito.

Nang matanong kung bakit naman ito gagawin, baka daw may gustong kontrobersya na gustong
pagtakpan.

Yung tipong ikaw na ang gagawa ng isyu para matabunan ang mga mas malalaking isyu.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa palagay n’yo, ganito nga kaya ang ginagawa nila? O baka talagang incompetent lang ang mga pinasasahod ng taumbayan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending