outbrain

‘Bboom Bboom’ dance ni Liza nag-viral, sikat na Korean girl group bilib na bilib

By Alex Brosas June 25,2018
share this

‘Bboom Bboom’ dance ni Liza nag-viral, sikat na Korean girl group bilib na bilib

By Alex Brosas June 25,2018
share this

SOBRANG na-appreciate ng Momoland, a South Korean girl group, ang ginawang “Bboom Bboom” dance ng Bagani star na si Liza Soberano.

They found Liza’s short dance “super cute”. Sa isang Facebook Live video ay sinabi ng members ng grupo na sina Nancy, Daisy and Ahin na napanood nila ang “Bboom Bboom” dance ni Liza.

“Did you guys see the video? She actually can dance. We’re so honored and thankful,” say ni Nancy na sinasabing look-alike ni Liza. Napakaganda rin daw ng sweetheart ni Enrique Gil.

Sa huli ay sinabi ng grupo na bibisita sila sa bansa on Aug. 18 and they hope na makita nila nang personal si Liza.

In a recent episode naman ng Bagani, ipinakita si Ganda (Liza) na inaalis ang dumi sa mukha ni Lakas (Enrique). Biglang nagising si Lakas at i-nisip na hinahalikan siya ni Ganda.

Nagselos naman si Ganda at sinabing baka kung sinu-sino ang pinasasakay ni Lakas sa ibon niya. Sinabi ni Lakas na wala siyang pinasasakay na iba sa kanyang ibon kundi sina Dug, babaylan Gloria, Maliksi at Marikit.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending