Iiwan na ba ang amo? | Bandera

Iiwan na ba ang amo?

Beth Viaje - June 22, 2018 - 12:10 AM

MAGANDANG araw, Ateng Beth.

Maari bang makapagtanong? Namamasukan po ako bilang isang kasambahay. Gusto ko nang umalis matapos ang 15 years na pagsisilbihan ko sa pamilyang tinutuluyan ko ngayon.

Palibahasa kasi matanda na ako (55 years old) kaya gusto ko nang umalis dahil parang sagabal na ako, imbes na makatulong.

Kumuha na rin kasi sila ng panibagong kasama. Naisip ko lang, baka nahihiya lang silang paalisin ako, kaya ako na lang ang aalis.

Ang kaso wala akong sariling pamilya rito sa Maynila. Nasa Davao po ang mga ka-patid ko, wala rin akong asawa at anak. Dapat bang umalis na ako sa pinapasukan ko?

Pilar, Davao City

Dear Pilar,
Mag-usap kayo ng amo mo, ate. Baka naman dahil nga tumatanda ka na kaya ayaw ka na nilang mahirapan kaya sila kumuha ng isa pang kasama.

Siguro naman pa-milya na ang turingan ninyo sa isa’t isa dahil 15 years na kayong magkakasama.

Siguro sa mga taong iyon, naging close na kayo bilang kapamilya, kaya kering makipag-usap nang tapatan di ba?

So sabihin mo sa kanila yung feeling mo.

Sa totoo, kung kaya mo pa naman magtrabaho ng mga importante at magagaan na mga bagay, e di magtrabaho ka pa. Iba rin kasi yung 15 taon ng pagkakapalagayan ng loob. Hindi madaling hanapin yung katulad mo na kinalakihan na ng pamilya.

Hirap nang kumuha ng mapagkakatiwalaan at mapagtitiisan ang mga ugali at katangian ng amo.

Pero kung decided ka nang umalis sa amo mo, nasa sa iyo rin.
Ang tanong saan ka nga pupunta yamang wala ka ng pamilya rito sa Maynila. Ang mangyayari, uuwi ka sa Davao at doon magsimula muli.

Ano man ang desis-yon mo sana ay makausap mo muna ang iyong amo.

Ganon din kausapin mo rin ang pamilya mo sa probinsya. Sabihin mo sa kanila ang plano mo at paano ka mabubuhay kung uuwi ka sa probinsya.

Sana makatulong mo ang mga tao sa paligid mo sa mga pagpaplano sa iyong buhay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

May problema ka ba sa puso o relasyon sa iyong asawa, partner, GF or BF o kahit sa boylet, pamilya, pag-aaral, idulog na iyan kay ateng Beth. I-text ang iyong pangalan, edad at mensahe sa 09989668253

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending