Marian, Dingdong nagdarasal na makabuo pa ng mas maraming baby | Bandera

Marian, Dingdong nagdarasal na makabuo pa ng mas maraming baby

Ervin Santiago - June 22, 2018 - 01:10 AM

MARIAN RIVERA, ZIA AT DINGDONG DANTES

HOPING sina Marian Rivera at Dingdong Dantes na magkakaroon na ng kapatid si Zia anytime soon pagkatapos ng Father’s Day vacation nila sa El Nido, Palawan.

Maraming na-inspire at kinilig na mga netizens nang makita ang mga litrato ng Kapuso Primetime King & Queen sa El Nido kasama ang kanilang anak. Hashtag #familygoals nga raw ang ipinaglalaban ng royal couple ng GMA 7.

Sa presscon ng News And Public Affairs ng GMA para sa 1st anniversary ng weekly drama series na Tadhana hosted by Marian, kinumusta ng members ng entertainment media ang pagbabakasyon nila sa Palawan.

“Memorable yun kasi siyempre, Mother’s Day or Father’s Day, sine-celebrate talaga namin ‘yun. And this time Father’s Day so sinorpresa namin siya ni Zia ng isang magandang set-up at saka food. May letter kami ni Z tapos may pa-flowers kami sa kanya,” kuwento ni Marian.

Pagpapatuloy pa ng misis ni Dingdong, “Nu’ng Father’s Day sabi namin, ‘Kahit mabilis lang mag-beach tayo.’ Kasi si Zia mahilig mag-swimming, e. So, wala lang, surprise lang namin si Dong ng romantic set up na malapit sa beach area.

“Tapos nagkuwentuhan lang kami nang buhay-buhay, tapos pinagkukuwentuhan lang din namin si Zia. Nag-moment lang din kami du’n. Nakakatuwa yung anak ko na bini-video kami niya kaming dalawa, habang nagsu-sweet-sweet-an kami ni Dong.

“Sabi ko nga kay Dong, ‘Ang laki na talaga ng anak natin.’ So pinost ko yun kasi sabi ko, sobrang thankful ako and blessed ako, alam mo yun, pag nandiyan si Dong especially with Zia na sabi ko, sana nga more to come pa.

“Kung ganu’n yung nararamdaman ko na isang Zia pa lang, what more kapag sobrang dami na nila, so hoping (na makabuo uli ng babay),” aniya pa.

Natanong din ang Kapuso TV host-actress kung naiisip ba niyang manirahan sa ibang bansa sakaling magdesisyon na sila ni Dingdong na mag-lie low na sa showbiz. For example sa Spain kung saan naka-base ang kanyang ama.

“Depende, especially kung saan mag-aaral yung anak ko. Yun siguro yung iko-consider ko especially pag malaki na siya.

“Kasi gusto namin ni Dong na mas malawak yung knowledge ni Zia e sa pag-aaralin niya.

“Baka puwede, kapag nag-aral si Zia sa ibang bansa, baka pwede. Iba pa rin kasi yung mas malawak ang alam e,” paliwanag pa ni Marian.

Samantala, ngayong Sabado na ng hapon mapapanood ang anniversary episode ng Tadhana na pagbibidahan mismo ni Marian sa direksyon ni Dingdong.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tungkol ito sa isang OFW sa Bahrain na iniwan ang pamilya sa Pilipinas para magkaroon ng magandang kinabukasan ngunit dumanas ng matinding pagsubok sa kamay ng kanyang mga amo. Bukas na ‘yan ng hapon sa GMA 7 after Contessa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending