Kilalang young actress maldita na, ilusyunada pa | Bandera

Kilalang young actress maldita na, ilusyunada pa

Cristy Fermin - June 21, 2018 - 12:15 AM

MAY isang young actress ngayon na kontratado ng isang malaking network na hindi pa man umaangat ang popularidad at wala pang napapatunayan pero nuknukan na nang kaartehan at kamalditahan.

Isa siyang maliwanag na feelingera, isang ilusyunada, dahil nagpapalutang na siya agad ng kayaba-ngan na ikinaiinis sa kanya ng produksiyon.

Galing sa isang mala-kihang reality show ang young actress na ito, hindi siya ang nakakuha ng korona, pero kung makaasta siya ay para bang siya ang nanalo.

Kuwento ng isang source, “Sobrang maldita ang batang ‘yun, hindi pa man, e, kitang-kita nang kapag sinuwerte siyang sumikat, e, kawawang-kawawa sa kanya ang maliliit na artista.

“Napakamahadera ng batang ‘yun, para bang sikat na sikat na siyang makaasta! Maraming naiinis sa kaartehan niya, sa kaa-ngasan niya, kaya ayun tuloy, nawawalan siya ng trabaho.

“Pambida kasi agad ang gusto niyang mga projects, ‘yung sa kanya iikot ang kuwento, samantalang ang datingan nga lang niya, e, pang-support! May gana pa siyang magpairal ng kamalditahan, e, wala pa nga siyang napapatunayan kung ang ngumiti nang pagkatamis-tamis na isang malaking kaplastikan lang naman!” simulang kuwento ng nakairap naming impormante.

Dapat sana’y may gagawing pelikula ang hitad na ito, susuporta siya sa isang kilalang loveteam, tinanggihan niya ang trabaho dahil ang gusto niya ay siya ang bibida sa pelikula.

“Aba, napakalakas ng loob niyang sabihin na kailangang ulitin ang script. Hindi raw niya gusto na basta support lang ang role niya! Di ba naman? Nakakaloka siya, ha?

“Wala pa nga siyang napapatunayan, e, ganyan na siya? E, paano pa kung magkapangalan na siya at hindi basta ganyan lang na pangdagdag lang naman siya sa mga ginagawa niyang projects?

“Naku, ha? Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, pakitampal nga nang may kalakasan ang babaeng ‘yan para magising siya sa katotohanan na wala pa siyang name?

“Pero pagkatapos nu’n, e, halikan n’yo rin naman siya bilang pabuya, kiss n’yo rin siya! Yes, kiss n’yo siya!” nakataas pa ang kilay na pagtatapos ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending