Mark Oblea inatake rin ng depresyon: Pero hindi ko po naisip ang magpakamatay! | Bandera

Mark Oblea inatake rin ng depresyon: Pero hindi ko po naisip ang magpakamatay!

Reggee Bonoan - June 19, 2018 - 12:35 AM

ILANG buwan ding hindi napanood ang young actor na si Mark Oblea pagkatapos ng seryeng My Dear Heart. At dahil wala siyang follow-up project ay nag-acting workshop muna siya kasabay ng voice lesson at pagsusulat ng kanta.

“More on preparations po ako, ‘yung mga kantang inumpisahan ko na hindi ko natatapos noon, ngayon nakatapos na ako ng nine new songs,” kuwento sa amin ni Mark sa bloggers’ conference na ginanap sa opisina ng Universal Records kamakailan.

Pero ang pino-promote niya ngayon ay ang bago niyang single na “Langit Pag Nandiyan” composed by Eunice Jorge (lead vocalist ng Gracenote) at ipinrodyus ni Ito Rapadas (miyembro ng Neocolors).

Hindi nga inaasahan ng binata na malakas sa Apple Music, I-Tunes, Amazon, Deezer at Spotify ang awitin niya.

Ang ikalawang kantang ire-record niya under Universal Records ay siya na mismo ang sumulat na may titulong “Kahit Di Tayo” na tungkol sa “friendzone.”

“Parang true to life po kasi dumating ako sa point na hanggang magkaibigan lang kayo ng gusto mong babae, kaya friendzone. Tanggap ko naman ‘yung fact na ‘kahit di tayo’ okay lang basta kung kailangan mo ako, nandito lang ako,” kuwento ni Mark.

Nagpasampol si Mark sa bloggers at kinanta ang chorus ng “Kahit Di Tayo” at para sa amin maganda ang melody at lyrics nito na puwedeng maging themesong ng mga millennials.

Ni-revive rin ni Mark ang awiting “Tabi” (orihinal na kanta ng grupong Paraluman noong 2008) at ini-release ng Universal Records sa online.

Nagulat nga raw ang lahat dahil sa loob nang tatlong linggo ay umabot na ito sa 200,000 hits sa Spotify.

Kasama rin ito sa playlist ng Men of OPM, OPM Chillax, Acoustically OPM at Pinoy Covers.

Ang isa pang dahilan kung bakit napakasaya ngayon ni Mark ay dahil bukod sa may single na siya sa Universal Records ay napili rin siya para kumanta ng soundtrack ng pelikulang “Bakwit Boys” produced by T-Rex Productions na may titulong “Fiona.”

“Sobrang natutuwa po ako kasi first time kong makakanta ng isa sa themesong ng pelikula, sana magtuluy-tuloy na,” ani Mark.

Magkakaroon din ng mall shows si Mark para sa promo ng “Langit Pag Nandiyan,” “May mall show po ako at radio shows, online shows din. Kinuha rin po akong front act for Spongecola at The Dawn sa Eastwood sa June 19.”

Magkakaroon din siya ng cameo role sa indie film na “Amats” na idinirek ni Dondon Santos at entry sa Pista ng Pelikulang Pilipino. Bukod diyan, kasama rin siya sa teleserye nina Joshua Garcia at Julia Barretto.

Sa tanong kay Mark kung na-depress ba siya sa ilang buwang halos wala siyang project lao pa’t bread winner siya ng pamilya, ito ang tugon ng binata, “Sobrang nalungkot po ako kasi 11 months din ‘yun na wala akong ginagawa, na-down ako.

“Binabalikan ko ‘yung dating ako kasi nanggaling naman na ako sa ganu’ng sitwasyon noong wala pa ako sa showbiz. Kaya sabi ko sa sarili ko, ‘kalma lang.

“Aaminin ko po na nakaramdam din ako ng depression, pero hindi ganu’n katindi. Lalo na kasi kapag nago-overthink ako. Mahirap akong makatulog. Good thing na marami akong shows out of town, so sinagip ako ng mga show na ‘yun habang wala akong regular show pa,” kuwento niya.

“No! Never sumagi sa isip ko na tapusin ang buhay ko. Okay lang mag-inom ako after that wala na. At saka idinadaan ko kasi lahat sa prayers,” pagtatapat ni Mark.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

May payo ba siya para sa mga taong dumaranas ng depression? “Siguro pinagdadaanan ninyo ‘yan for a reason kasi hindi ibibigay sa inyo ang ganyang problema kung hindi ninyo kakayanin. Basta kapit lang.”

As of now ay single pa rin si Mark at hindi rin siya naghahanap ng girlfriend, “Saka na siguro kapag okay na ako, I mean kapag ibinigay na ni God.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending